Chapter 3

1205 Words
14. Umuwi muna ako sa bahay bago ako pupunta sa ospital para dalhan nang damit sina nanay at ang dalawa kong kapatid. Pagkabigay sakin nang tseke ni Christopher na 600,000 ay agad na akong umalis para maoperahan na agad si nanay. Bago ako umalis ay nangako ako sa kanya na babalik ako at hindi ako tatakas sa kasunduan na sa kanya mapupunta ang pinakamamahal kong puri. 15. 7PM nang gabi nang makarating ako sa ospital, sinalubong agad ako nang aking mga kapatid umiiyak ang mga ito pagkayakap nila sakin. "Ate, si nanay kapag daw wala pa ang pera para sa operasyon niya maari na raw siyang mamamatay". Ani merlyn. "Ashhh wag kang magsalita nang ganyan, okey na ang lahat maooperahan na ang nanay ha". Saad ko sa kanila at niyakap sila pabalik. Binigay ko sa doctor ang buong 500,000 na kailangan para sa operasyon ni nanay ang 100,000 naman ay tinabi ko para magamit sa pangkain at needs nang mga kapatid ko kapag wala na ako sa bahay. Nilipat na agad nang doctor si nanay sa operating room kami naman ay naiwan sa labas. Nagpaalam muna ako sa mga kapatid ko na bibilhan sila nang pagkain dahil alam kong gutom na gutom na sila. 16. Masaya kong tinitingnan ang aking mga kapatid habang sila ay kumakain nang binili kong Jolibee sa labas. Halatang-halata na gutom na gutom na sila. Sulitin ko na ang araw na kasama ko pa sila dahil doon sa mansyon hindi ko alam kong ano ang magiging buhay ko sa piling ng lalaking iyon. "Ate kumain kana". Alok sakin nang bunso namin na si jonas. "Oo nga ate, nakatingin ka lang pero itong pagkain mo di mo ginagalaw". Segunda naman ni merlyn. "Ano ba kayo, busog pa ako at ang extrang food na yan para talaga sa inyo yan, dont worry kapag nakalabas rin si nanay dito ay ipapasyal ko kayo kahit saan nyo gusto". Sa sinabi ko ay nakita ko ang pagkislap sa mga mata nila. "Wow talaga ate? May pera ba tayo?" Tanong ni merlyn. "Syempre meron, aayain ko ba Kayo pag wala?" Nakangiting tugon ko. "Promisey ate ha"? Segunda naman nang bunso. "Promise". Mga katagang binitawan ko na kailangan kong tuparin. 17. Lumipas pa ang isang linggo at tuluyan nang nakalabas si nanay sa ospital yon nga lang hindi muna siya pwedeng ma etress o mapagod kaya dapat sa bahay lang ito at palaging goodvibes. Kaya ang naisip kong paraan para manatili siya sa bahay ay tayuan ko siya nang sari-sari store sa harap nang bahay namin nang sa ganun meron silang pagkakitaan kahit wala na ako sa piling nila. Sa ngayon nandito kami sa SM gaya nang pinangako ko sa kanila na ipapasyal ko sila dito. Pati si nanay ay nagtataka na kong saan ako kumuha nang pera sa pang opera at dito nga sa pamamayal namin. Dahil sa pangungulit nyang malaman kong saan nangaling ang pera ay napilitan akong magsinungaling. Sinabi ko sa kanya na pinautang ako nang amo ko basta ang kapalit ay magtrabaho ako sa kanila nang 2 years bilang kasambahay kahit na ang totoo ay s*x slave ako ni Christopher pagbalik ko sa mansyon nila isang babae na makakatalik nya sa kama anytime na gugostohin nito. 18. Naniwala naman si nanay sa sinabi ko, naawa rin siya sakin dahil maghihirap daw ako nang dalawang taon bilang katulong imbes na nag-aaral daw ako sa koleheyo. Pero nginitian ko lamang si nanay at sinabi sa kanya na mas importante sya kesa sa pag-aaral ko dahil kapag nawala si nanay hindi ko na alam ang gagawin naming magkakapatid. Niyakap ako nang nanay ko at magpasalamat sa tulong na ginawa ko, pero ang sabi ko.. "walang katumbas ang pagmamahal mo, kesa sa tulong na binigay ko. Wala pa iyon mula pagkapanganak mo samin nang mga kapatid ko hanggang sa lumaki kami na ikaw ang kasama". Muli kaming nag iyakan.. 19. Natapos ang hapon non na masaya kaming lahat dahil nakalabas kaming apat para mamasyal at eenjoy ang mga sarili namin. Pasado alas 5pm nang naisipan naming umuwi na sa bahay, pinagtitingina kami nang mga kapitbahay at mga kaanak namin na kalapit lang nang tinitirhan namin, kanya-kanya silang lapit nang makita ang dala-dala naming magagandang bag, damit at kong ano-ano pang pinamili namin galing sa pamamasyal. "Uy ate marie nakalabas kana pala nang ospital mabuti at gumaling kana agad, saan pala kayo kumuha nang pera na pang opera mo?" Sunod-sunod na tanong ni tita yna. Isa siya sa mga nilapitan ko noon pero wala akong nakuha sa kanya kundi pagsarhan ako nang pinto nong nagmamakaawa ako dito. "Oo nga insan, mabuti nalang at mabait itong amo nang anak ko pinahiram siya nang pera pang opera ko". Sagot ni nanay." "Amo? Diba nag-aaral pa yang si maria? Paano siya nagkaroon nang amo?" Muling tanong ni tita. "Ano kasi tita huminto na muna ako nang pag-aaral ko para matulongan si nanay sa pang opera nya ay nag-apply ako bilang katulong sa isang mayaman na agad akong tinanggap, saka ko sinabi sa kanila na need ko nang pera pang opera sa nanay ko mabuti at mabait kaya walang alinlangan na pinahiram ako nang pang opera ni nanay". Singit ko sa usapn nila. "Magkano ba pinag-opera nang nanay mo?" Muling tanong nya. "500,000 po. Pero 600,000 ang pinahiram basta 2 years raw akong maging katulong nila". Sagot ko. "Wow ang bait nga nang amo mo, 500,000 lang pinag-opera nang nanay mo? Edi may 100,000 kapa kaya kayo namili no? Baka pwedeng hirami ang kalahati nang 100,000 nyo para naman makabili ako nang bagong tinda sa sari-sari store ko". Hirit nito. Sasagot pa sana si nanay nang sumagot muli ako. "Wala na pong natra tita eh, kong meron man para nalang ito sa pang negosyo ni nanay". Tugon ko. 20. Hindi ko akalain na magagalit ito sa sinabi ko. "Hoy ikaw maria ha! Nakahawak ka lang nang malaking pera akala mo kong sino kana? Baka nakakakimutan mong tita mo parin ako? Ang damot-damot mo hihiramin ko naman hindi ko hinihingi sayo"! Malakas na boses na sabi nito sakin. "Baka nakalimutan nyo rin po nong lumapit ako sa inyo para makahiram nang maliit na halaga pandagdag sa operasyon ni nanay ah pinagsarhan nyo ako nang pinto? Diba sino ang madamot satin tita?? Ako?? Ako na alam ko na kong anong ugali meron kayo? Noon okey pa kayo samin kasi may nakukuha kayo pero noong walang-wala na kami saka naman kayo di malapitan ano?? Sorry tita pero may isip na ako ngayon na wag basta magbigay sa taong di naman pala kayang tumulong sayo kapag nagigipit ka,". Mahabang saad ko sa kanya. "Aba lintek kang bata ka". Akmang sasampalin nya ako nang sinali ni nanay ang kamay niya at tinulak si tita yna. "Subukan mong saktan ang anak ko insan at kakalimutan kong kaanak kita, umalis kana kong ayaw Mong sasabunutan kita"! Matapang na wika ni nanay sa kanya. Umalis itong nagpupuyos nang galit samin, maging ang mga kapitbahay na nakikinig samin ay umalis narin. Inaya ko si nanay papasok nang bahay namin para makapag pahinga na ito. Bukas na bukas rin ay aasikasohin ko na ang bagong tindahan ni nanay para bago ako umalis ay sure akong maging okey siya at nang mga kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD