51.π
Isang buwan pa ang nakalipas nang maramdaman kong palagi akong nahihilo at nagsusuka.
Isang araw non habang ginagamit ako ni Christopher ay bigla ko nalang siyang naitulak dahil gusto kong dumuwal. Sa lababo na ako nagsuka nang nagsuka.
Pagbalik ko sa kama ay seryosong nakatingin sakin si Christopher.
52.π
"Buntis ka? Kaila kapa nagsusuka at nahihilo?" Anito
"Nakaraang araw pa". Sagot ko.
"Magbihis ka at kailangn nating malamang ang totoong nangyayari sayo ayaw ko nang puro duda lang". Aniya sabay pasok sa banyo para maligo.
53.π
Pumunta agad kami sa doctor at doon namin nakumpirma na buntis ako nang 5weeks. Hindi ko alam ang mararadaman ko dahil kinakabahan talaga ako.
Umuwi rin kami agad sa bahay nang hindi manlang kami nag-uusap.
Pagdating namin sa bahay ay aakyat na sana ako sa kwarto nang pinigilan ak nito.
"Lets get married, para madala nang anak ko ang magiging apelyedo ko". Aniya na nagpakaba nang husto sa akin.
54.π
After nang kasal naming dalawa ay umuwi na kaming lahat sa bahay, kasama ang ilang mga katulong at mommy ni boss na isa sa mga dumalo sa kasal namin.Masaya siya sa aming dalawa ni boss dahil nahulog na raw umano sakin ang kanyang anak. Napangiti rin ako at umaasa na sana totoo ngang nahulog na ito sakin. Nalungkot lang ako dahil walang alam si nanay na kinasal na ako.
55.π
Pagdating sa bahay ay doon na kami nagsalo-salo kasama nang nagkasal samin, busog na busog kaming lahat hanggang sa sumapit na ang gabi at p
Kailangan na naming magpahinga ni Christopher.
Kanya-kanya kaming bihis pagdating sa kwarto naming dalawa.
Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto si Christopher ang nabungaran ko inutusan nya akong pumunta raw sa kwarto nya.
56.π
Pagdating ko sa kwarto nya ay nakaramdam ako nang hiya dahil sa titig nya at dahil kasal na rin kaming dalawa at mag-asawa na.
"Simula ngayon dito kana matutulog sa kwarto ko dahil asawa na kita, pero wag ka masyadong mag assume na talagang gusto na kita or mahal na kita kong bakit kita pinakasalan, gusto kong malaman mo na kaya kita pinakasalan ay dahil lamang sa anak ko sayo." Aniya na nagpasakit nang puso ko.
57.π
Akala ko ay tapos na itong magsalita pero hindi pa pala.
"Kapag naipanganak mo na ang anak ko ay pwede na tayong mag annul at iwan sakin ang anak mo, saka ka lamang makakabayad nang utang mo sakin at tapos narin ang trabaho mo non Maliwanag ba?" Pahabol niyang salita.
Napilitan akong tumango kahit gusto ko nang umiyak.
58.π
"Pero ngayon dahil asawa pa kita ay patuloy mo parin akong pagsisilbihan sa lahat nang oras lalo na pagdating sa kama? Bilang asawa mo ay gagawin mo lahat nang inuutos ko, ikaw na ang maghahanda nang pagkain ko, maglalaba nag damit ko at maglilinis nang kwarto natin." Wika pa nito.
"Magshower kana at bilang asawa mo ay kakailanganin na kita ngayong gabi". Utos nya sakin sabay tulak nang mahina papasok nang banyo.
Doon na ako umiyak nang husto.
59.π
Ilang araw buwan pa ang nakalipas na patuloy lamang niya akong ginagamit. Tumigil lang siya nong malapit na akong manganak.
Alagang-alaga na niya ako at hindi ako pinabayaan dahil iyon ang advice sa kanya nang doctor ko.
60.π
Sumapit na nga ang araw kong saan ilalabas ko na ang anak ko, araw na nabibilang nalang dahil malalayo na ako sa anak ko. Isa lang ang hihilingin ko sa doctor na magpapaanak sakin na kapag nailabas ko na ang bata ay maari wag na nila itong itabi o ipakita sakin para di na ako masaktan pa.
Prepare narin ako sa pwedeng mangyari sakin kapag umalis na ako sa mansyon.
61.π
Kahapon habang tulog siya ay pinirmahan ko na nang palihim ang annulment papers namin dahil isa iyon sa inasikaso niya nong isang linggo pa. Binalik ko rin iyon sa lagayan pagkatapos kong pirmahan naglagay rin ako doon nang sulat para sakaling mabuksan niya iyon ay mabasa niya.
Naihanda ko narin ang pamilya ko na pag uwi na pag uwi ko ay sabay naming lilisanin ang bahay namin para lumipat na sa probinsya.
Kahit paano may naipon narin naman si nanay sakto para sa panibagong buhay namin.
62. π
Naipanganak ko na ang baby namin, sinabi narin sakin nang nurse na lalaki daw ang anak ko pero pinatahimik ko sya dahil ayaw kong makarinig na ano mang salita patungkol sa anak ko.
Okey naman na ang pakiramdam ko, palinga-linga ako sa paligid saktong wala akong bantay pasimple akong lumabas nang kwarto kong saan ako nagpapahinga.
Paglabas ko nang kwarto ay doon na ako naglakad nang mabilis saka sumakay nang taxi pauwi sa bahay namin
63. π
Sa taxi na ako umiyak nang umiyak, dahil sa pangungulila sa anak ko, maging kay Christopher na lihim ko naring minamahal. Ang hiling ko lang na sana alagaan niya nang maayos ang anak namin.
Pagdating ko sa bahay ay nagtaka pa si nanay nang makita ang suot ko, naka ospital dress kasi ako.
Ready narin ang mga gamit na dadalhin namin pauwi nang probinsya.
"Anak bakit yan ang suot mo?" Takang tanong ni nanay.
"Nay mahabang kwento pwede bang doon ko na sabihin sa probinsya pag uwi natin? Pagod ako nay pagod na pagod na ako sige na kailangan na nating umalis ngayon". Tugon ko na agad namang sinunod ni nanay.
64.π
Nag eroplano kami pauwi para mabilis kaming makarating sa probinsya na titirhan namin. Doon muna kami pansamantala sa mga magulang ni nanay habang naghahanap pa kami nang lupa na pwede naming tirikan nang bahay.
Saktong pagdating namin sa bahay ay nawalan na ako nang malay at huling sigaw nila nanay lola,lola at mga kapatid ko ang huli kong narinig.
65.π
Nang magising ako ay si nanay agad ang nabungaran ko. Akmang babangon ako nang pinigilan ako nito.
"Anak wag ka munang bumangon baka hindi mo pa kaya lalo na at nabinat ka pala". Anito na tila alam na ang nangyari sakin.
"Nay.' bigkas ko sa kanya.
"Anak, bakit hindi mo sinabi sakin ang nangyayari sayo? Kailan mo ba dapat aminin samin ang lahat?" Maluha-luhang sambit ni nanay.
"S-sorry nay, ginawa ko lamang iyon para di kayo mag-alala sakin. Okey lang naman ako nay nakaraos na tayo at wala nang problema. Kalimutan na natin ang pinagdaanan ko at magsimula nang bagong buhay dito sa probinsya". Tugon ko.
"P-pero anak, alam kong hindi ka okey. Pero willing akong maghintay kong handa kanang ikwento lahat sakin. Alam ko na ako ang dahilan kong bakit ka nag sakripisyo". Wika ni nanay na tuluyan nang humagolhol nang iyak.