BEN'S POV
Maaga akong nagising para maghanda na sa aking trabaho.
"Nay! Alis na po ako" paalam ko kay nanay na naglilinis ng mga plato sa lababo.
"Sige nak. Mag-iingat ha!" paalala nito sa akin. Nginitian ko na lang ito saka tinahak ang daan papalabas.
Sumakay ako sa aking motorsiklo at agaran itong pinaandar patungo sa aming opisina.
"Brad! Good morning!" pagsalubong sa aking ng isa kong kasama.
"Magandang umaga din brad!" pagbati ko pabalik saka naupo sa isang bakanteng silya.
Kami ay mga bumbero kung tawagin. Maghapon lang kami sa headquarters at mag iintay ng tawag kung sakaling may hihingi ng tulong.
Habang walang ginagawa ay naisipan kong kalikutin ang aking cellphone upang mag bukas ng social media account. Tamang scroll lang ang ginagawa ko ng biglang may lumabas na magandang picture sa screen.
Missty Valerina Updated her profile picture...
"Chicks to ah!" Ang sexy naman ng isang to, paano ko kaya naging friend to sa sss?
Isa siyang sikat na Diver sa pilipinas, marami na daw itong nasisid na mga antigong bagay sa ilalim ng dagat at dahil doon kaya sumikat ang kaniyang pangalan.
Ilang minuto rin akong nag scroll sa aking sss ng biglang sumigaw ang aking kasama.
"Ben! Maghanda kayo. May sunog daw sa Trinity's Street! Bilisan niyo!" sigaw ng aming lead person dito sa headquarters.
Matapos marinig iyon ay agad na akong nagpalit ng angkop na kasootan, saka pumunta sa sliding pole at doon hinayaan ang sarili na dumausdos. Matapos makababa ay sunakay na ako sa firetruck.
Habang binabagtas ang daan ay umaalingawngaw ang sirena ng ambulansya sa bawat daang aming madaraanan, kaya agad napapalabas ang mga taong makakarinig dito. Ilang minuto din ang lumipas nang makarating na kami sa isang malaking bahay na ngayo'y nilalamon na ng apoy. Inihanda na agad ng isa sa amin ang Hose na naglalaman ng tubig at itinutok sa apoy na ngayo'y malapit ng malamon ang napaka laking bahay.
"Ang lola!! Iligtas niyo ang lola ko!" sigaw ng isang babae sa isang tabi. Matapos kong icheck ang iba at tumulong sa pag apula ng apoy ay nilapitan ko ang babaeng umiiyak.
"May tao pa po ba sa loob?" marahan kong tanong dito. Napaiyak naman ito ng todo saka tumango.
"O-Opo... Iligtas niyo ang lola ko..." humahagulgol nitong saad.
Hindi na ako nag sayang ng oras matapos marinig iyon. Naalala ko kasi ang aking lola noong ako'y bata pa. Nasama siyang matupok sa luma naming bahay na nasusunog at wala man lang akong nagawa kaya hindi ako papayag na ganun din ang mangyari sa matandang narito.
Bumilang muna ako ng tatlo bago mabilisang lumusob sa loob ng nag aapoy na bahay.
"Ben!!"
Narinig ko pa ang sigaw ng aking kasama ngunit hindi ko na ito pinansin. s**t! Bakit hindi ko itinanong kung nasaan ang lola.
Siguro nasa taas dahil kung nasa baba ito ay madali siyang makakalabas.
Dahan dahan akong umakyat at iniiwasan ang mga lumalaglag na kahoy na nasusunog at maging ang sahig na ang iba'y umaapoy din. Natatakot kong inihakbang ang aking mga paa sa hagdanan dahil kahoy ito at ang ibang parte ay nasusunog at maaaring anumang oras ay bumigay na ito.
Umuubo na ako ngunit patuloy lang ako sa pag akyat hanggang sa makarating na ako sa ikalawang palapag. Binuksan ko ang lahat ng pinto at isa sa mga ito ang kinaroroonan ng matanda. Agad ko itong nilapitan at nanghihina na ito na nakasalampak sa sahig. Nagtungo ako sa cr ng kwarto at binasa ako telang nakita ko dito saka bumalik sa matanda. Itinakip ko ito sa ilong ng matanda at dahan dahang inalalayan.
Ngunit nagulat ako ng bigla ako nitong hawakan.
"Lo-Lola tara na po.." sambit ko dito na naguguluhan. Para kasi ako nitong pinipigilan.
"Ikaw....." sambit nito habang nakatitig sa akin.
"Ano pong sinasabi niyo? Bubuhatin ko na lang po kayo para mabilis tayong makalabas" sambit ko saka akma na itong bubuhatin ngunit nagulat ako ng pigilan niya akong muli.
"Hijo...maaari mo bang kuhanin mo ang kwintas na nasa aparador ko..." utos nito sa akin. Ayaw ko man gawin dahil kumakalat na ang apoy at maya maya pa ay maging ang kwartong ito ay lalamunin na rin ng tuluyan. Ramdam ko na rin ang init sa loob ng bahay. Tumayo na lang ako at kinuha ang sinasabi ng matanda.
Nang makuha ito ay lumapit na ako sa matanda.
"Lola ito po ba? Tara na po bubuhatin ko na kayo" sambit kong muli.
Isang kwintas na mabigat na may bilog na palawit ang pinakuha niya sa akin. May pula itong tila diyamante sa gitna. Mukhang antigo.
Nagulat ako ng iabot niya sa akin ito.
"Lola.. Tara na po" umiiling kong pagtanggi saka iginigiya siya palabas ngunit mapilit ang matanda. Wala na akong magawa kundi pwersahang buhatin ang matanda. Nagulat akong muli ng isuot niya sa akin ang antigong kwintas ngunit hindi ko na lang ito pinansin at diretso na lang na nagtungo sa labasan.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ng kwarto ay nanlumo ako sa nakita, sobrang alab na ng mga apoy at wala na kaming dadaanan. Maging ang hagdan ay bumigay na. Dahan dahan akong bumalik sa kwarto upang tignan ang bintana ngunit napamura na lang ako sa nakita. Bakit walang bintana?!
Inihiga ko na lang muna sa kama ang matanda habang pinapalagay ko ang basang tela sa ilong nito.
"Teka lang lola, gagawa po ako ng paraan" wika ko dito, may sasabihin pa sana ito ngunit nanghihina na siya para gawin 'to.
Palinga linga ako sa paligid ngunit parang ito na nga ang katapusan namin. Lalabas sanang muli ako ngunit ng hawakan ko ang seradura ng pinto ay halos mapaso na ako dahil tindi ng init nito.
Halos maiyak na rin ako sa sitwasyon namin. Napaupo na lang ako habang sapo sapo ang ulo ngunit dahil sa biglaan kong pag upo ay tumama sa aking katawan ang mabigat na kwintas na sinuot sa akin ng matanda.
"Ambigat naman nito!" naiinis kong sabi. Inialis ko ito sa pagkakasabit sa aking leeg. Ibabato ko na sana 'to ng bigla itong saglit na kuminang.
Huh?
Pinagmasdan kong muli ito, tila naengganyo akong hawakan ang bilog na palawit nito hanggang sa mapadako ang aking mga daliri sa gitnang dyamante nito. Aksidente ko itong napindot na ikinagulat ko ng bigla dahil umilaw ito ng matingkad na kulay pula at pwersahang lumipad at dumikit sa aking leeg.
Napaatras ako sa gulat dahilan para matalapid ako at matumba. Mas lalo akong natakot nang makitang ang babagsakan ko ay may apoy, ipinikit ko na lang ang mga mata ko at inintay na masunog ang aking katawanan ngunit sa paglagpak ko sa sahig ay malakas na pwersa ang namayani sa bahay at kasabay nito ang pagkawala ng lahat ng apoy dito.
"Huh?" nagtataka kong saad.
Paano nangyari ito?