TWO WEEKS LATER Nang malaman naming buntis ulit ako ang magaling kong asawa ay nag ligalig na naman at pinamalita kaagad na buntis ako. Tuwang tuwa naman ang Mommy at Daddy maging ang mga kapatid ko. Nabalot lang ng tuksuhan sa mga kaibigan niya tila nagpapa unahan raw silang makarami ni Sir. Stevenson. Akalain mo 'yon buntis na naman ulit si Andrea. Kaya heto nga nasa Mansyon sila at nagkakasayahan kaming lahat bago ang kasal na itinakda. "Hoy! Ace, iba ka rin." banat ni Draeden na baog yata at hindi pa rin sila nagkaka anak ni Tanya. "Sus! Mahina kasi ang geners mo." pang-aasar ni Mike. "Awatin niyo ako baka sapakin ko 'yan." pikon na saad ni Draeden. "Tumigil na kayo. Baka ihampas ko sainyo ang bote na hawak ko." awat ni Stevenson at kapag siya na ang nag salita tameme na ang la

