Habang nakain kami hindi ko maiwasang titigan ang asawa ko lalong paganda siya ng paganda kapag tinititigan. Naaalala ko nga noong first time ko siyang nakita at sinungitan niya ako. Hindi na siya nawala sa isip ko, may kong anong kumukudlit sa isip at puso ko. Akala ko dati simpleng lust lang pero, love na pala. "Bakit husby? May kakaiba ba sa akin today?" tanong nito. "Hmmm! Wala naman, napansin ko lang na araw araw kang gumaganda pa lalo." sagot ko. "Bolero! Kumain ka na nga lang dyan at nang makabalik tayo ng tulog at baka magising na si baby Ace at hanapin pa tayo." anya. Kumain na lang ako nang magana, dahil infairness naman sa luto niya ang sarap at malinamnam. Hanggang sa matapos kaming kumain at bumalik na ulit ng kwarto para matulog. KINAUMAGAHAN Maaga ulit akong nagisi

