Habang prenteng naka upo ako sa upuan tinawag ng pansin ng isang nurse ang atensyon ko at sinabi niya sa akin na pwede ko na raw puntahan ang mga anak ko sa nursery room. Kagya't nagmamadali akong nag tungo roon at pumasok sa loob. Hinanap ko ang bed ng tatlo kong anak. Nakita ko ang isa napangiti ako na makita kong kahawig ko ang isa sa triplets at ang isa naman ay pinaghalong mukha namin ng asawa ko at ang babae ay kamukhang kamukha ng asawa ko. "Hi! Ken Adrian ." bati ko sa unang anak naming lumas base sa naka sulat na oras sa tagged nito sa paa. Sumunod ko namang kinausap ang gitnang anak namin na si Kobe Arvin at ang babae naman na anak namin ay si Katelyn Ariela. Lahat ng pangalan nila napag usapan namin na may double name start sa letter K at A since Ace at Katerine ang pangalan

