Natapos ang party na masaya at maligaya ang lahat. Balik na kami ng PILIPINAS!!! Mahaba ang byahe, pero maligaya ang lahat sa kakaibang experience na kani kanilang naranasan lalo na't ang mga kapatid ko na alam naman natin na hindi namin na experience 'yan noong bata pa lang kami. Lumaki kaming salat sa hirap at tanging si Nanay lang ang nalakihan naming kasama at namatay pa. KINABUKASAN.. Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko. Hindi ko alam kong ano bang nararadaman ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan walang tigil sa lag sakit ang ulo ko. Kaya naman ginising ko ang asawa ko. "Husby, gising ang sakit ng ulo ko." wika ko. Napabalikwas naman ito ng bangon at tiningnan ako. "Kumusta masakit pa din ba?" Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" tanong niya. "Hmm! Hindi na sigur

