Nang nalaman ni Hilda na wala na si Daniel doon sa condo na iyon ay muling pinasabugan niya ang lugar kung nasaan sila, itinama nito ang kaniyang kahoy sa sahig. Nang kumapal ang usok ay agad na nakatakas ang mga ito sa mga pulis, nang mangyari iyon ay nagulat ang mga gwardya at pulis nang bigla na lamang nawala sina Hilda ganoon din ang kaniyang mga alagad. Kasa-kasama ni Hilda ang kaniyang alagang uwak at muling sinabihan ito, “Akala ko ba ay nandidito sina Daniel? Bakit nang pag-punta natin ay wala? Pinag-loloko mo ba ako?” pahayag ni Hilda sa uwak. At agad namang sumagot ang uwak, “Sigurado po ako na nandoon sila noong nakita ko,” saad ng uwak gamit ang pag-huni. Bumalik sa bahay ampunan ang mag ito, kasa-kasama ang mga alaga, habang nasa kalagitnaan ng pag-lipad ng mga ito ay galit

