Bumalik ang ilang alagad sa kwarto ni Daniel at doon ay hindi nila tinantanan ang kwartong iyon. Buong sahig ay binuksan nila upang tingnan kung meron ba doong nakatago, kahit hindi nito mabuksan ang sahig ay gumawa sila ng paraan upang makita. Kumuha sila ng isang malaking palakol upang doon ay mawasak nila bawat pader, sulok at kahit sahig. “Simulan niyo na!” sigaw ng lider sa kaniyang mga kasamahang alagad, Nang marinig iyon ay agad na sinimulan ang pagwasak. Nagulat si Daniel nang makita ang ginagawa ng mga alagad ni Hilda sa kaniyang kwarto, kaya naisipan nitong pag-handain ang mga kasama niton ganoon din ang kaniyang ina. “Okay guys! Mag-ayos na kayo, dalhin niyo ang mahahalagang gamit, sinisimulan na nilang wasakin ang bawat sulok ng kwarto ko,” pahayag ni Daniel sa kaniyang mg

