Alas dyes na ng gabi ay marami ng nagpupuntahan sa ganap ni Stacty na pinsan ni Daniel. Naunang dumating sina Sydney kasama sina Gabriella at Sofia at magagara ang mga kasuotan nito kaya’t madami nang-titinginan sa kanila noong pag-kababa pa lamang ng sasakyan. Pumasok na sa loob ng resort sina Sydney kasama ang mga kaibigan nito, at pag-kapasok na pag-kapasok pa lamang ay tila may hinahanap na si Sydney, at napansin naman agad iyon ni Sofia. “Sydney? Kanina ka pa pa paikot-ikot diyan, sino ba hinahanap mo? Si Daniel?” pahayag ni Sofia sa kaibigang si Sydney “As usual, sino pa nga ba? Si Daniel lang naman lagi ang hinahanap niyan,” saad naman agad ni Gabriella “You know what, mas maganda na mauna ako no kaysa iba ang mauna sa akin na lapitan si Daniel,” tugon naman ni Sydney sa mga kai

