Nakarating na ang magkakaibigan sa bahay ampunan, at pag-karating nila ay napansin nilang nakapila ang mga bata sa labas. Nag-taka ang mga ito dahil hindi ganoong nangyayari palagi ang pag-dalaw at araw ng aampunin. “Sino naman kaya ang sunod na maswerte sa mga batang yun ‘no?” pahayag ni Chloe na tila may kasamang pag-kahili sa mga bata. “Sana yung batang lalaki na tahimik, kilala niyo ba yun?” tugon ni Joshua. “Hindi e, ikaw ba?” tanong ni Stephanie kay Joshua. “Oo, ang lungkot nga ng istorya non e. akalain mo, iniwan daw siya diyan sa labas ng hindi nakikilalang magulang. As in yung tipong basta nalang iniwan. Hindi man lang sinabi ang dahlan at ito pa ang malala, hindi na siya sanggol noon,” pahayag ni Joshua. “Eh di namumukhaan niya parin magulang niya?” tanong ni Chloe “Hindi n

