Nakapag-order na ang dalawa ni Joshua at Daniel ng biglang napansin ni Joshua na may mukhang seryosong usapan ang dalawa, kaya’t naisipan nitong lapitan agad ang dalawang kaibigan. “Huy! Ano na, naka-order na kami. Kayo ba? mukhang napaka-seryoso ng usapan niyo ah? Ano yun? share naman diyan!” pahayag ni Joshua sa dalawang kaibigan nina Stephanie at Chloe “Oo nga ano yun?” napatanong din naman si Daniel “A-ano kasi, si--,” napatigil si Chloe ng biglang hinila ni Stephanie ito. “Oorder na kami, umupo na kayong dalawa dun,” pahayag ni Stephanie habang hila-hila si Chloe sa mag-titinda. At nag-hanap na ng mauupuan ang dalawa, habang na-order sina Stephanie at Chloe biglang kinausap muli ni Chloe ang kaibigan “Bakit ayaw mo sabihin sa kanila ni Joshua? May problema ba?” tanong ni Chloe k

