Habang nasa himpapawis sina Daniel ay bigla nitong pinag-masdan ang mga malalaking ibon na kanilang sinasakyan. Nagandahan ito at humanga kaya’t hinaplos niya ang magagandang ibon na ito. “So beautiful,” bulong ni Daniel sa mga ibon at masaya ang mga ibon na napasaya nila ang kanilang mga nakakataas habang si Stephanie naman ay napangit rin nang makita si Daniel na ngumiti. Galit na galit si Hilda nang napakabagal ng kaniyang mga alagad sa pag-kuha ng kanilang malalaking ibon na dala, “Bilisan niyo! Hindi na natin sila maaabutan!” sigaw nito Kaya’t ginawa ng kaniyang mga alagad lahat at binilisan ang kanilang pag-kilos. Nang maayos nila ay agad na lumipad narin ang mga iyon sa himpapawid at hinabol ang kanilang mga kaaway na sina Daniel. “Pasaan na tayo Daniel?” tanong ni Joshua sa ka

