Habang nasa kalagitnaan ng pag-uusap ang dalawa ni Stephanie at Daniel ay nagulat ang dalawang ito ng sinigaw ni Joshua ang pangalan ng kaibigan. “Daniel!” Napalingon naman si Daniel nang sinigaw ni Joshua ang kaniyang pangalan kaya’t nag-punta kaagad ito sa kaibigan at ganoon din si Stephanie. Nandoon si Joshua sa harapan ng computer ni Daniel ang kaibigan. “Oh? Anong nangyari?” tanong kaagad ni Daniel. “Tingnan mo,” tugon ni Joshua sa kaibigang si Daniel. Timingin kaagad si Daniel sa kaniyang monitor kung saan doon niya nakikita ang tao sa kwarto niya sa taas ng kanilang hidden room. “Mukhang makikita niya kung nasaan tayo ngayon ah?” pahayag ni Stephanie sa mga kasama. Napaupo si Daniel sa kaniyang upuan, “Hindi pwede,” saad naman nito sa sinabi ni Stephanie. Isang alagad ni Hilda

