Nang nabasag ni Daniel ang baso na nasa kaniyang tabihan ay naalala niya ang nangyari noon na nabasag din niya ang baso noong mag-kasama sila ng kaniyang ina sa kaniyang condo, kaya’t kahit ayaw ng nanay niya na sumunod kayna Stephanie ay napilitan ito para iligtas ang kaniyang nobya. Hawak-hawak ni Mrs. Carter ang kamay ni Daniel, at lumingon ito. “Sorry mom, pero kailangan kong tulungan si Stephanie. Kaming dalawa ang kailangan sa laban na ito, hindi lang siya,” pahayag ni Daniel sa kaniyang ina at binitawan nito ang pag-kakahawak sa kaniya at umalis. Nakita niya ang isang prinsesa na isa ring nag-hatid kayna Stephanie sa palasyo nina Hilda, “Prinsesa, samahan niyo ako. Ihatid niyo ako sa kung saan nandoon sina Stephanie, kailangang-kailangan ko silang tulunga. I don’t want to stay her

