Pinabalik na ni Cristina ang dalawa ni Stephanie at Chloe sa kanilang silid dahil baka mahuli pa ito ng kanilang matrona na si Hilda. Nang nakaalis ang dalawa ay nag-tungo agad si Cristina sa silid ng matrona. At nang nasa sa harap na siya ng pintuan ng matrona ay kumatok ito sa pintuan, “Matrona?” pag-tawag nito kay Hilda “Pasok Cristina, bukas ang pinto,” tugon naman agad ng matrona. Nang makapasok na si Cristina sa silid ni Hilda ay biglang nag-tanong ito sa kaniya, “Wala ka bang kasama kanina sa iyong silid? Mukha kasing may kausap ka kanina,” “Ah, w-wala po matrona. Kanina po ay kinakausap ko ang aking sarili at nakanta po ako kanina habang nagaayos ngunit natapon ang aking tubig kaya’t nag-palit po ako ng aking damit,” tugon naman agad ni Cristina kay Hilda “Sige, tayo na at pu

