Nang makapasok ng kwarto sina Daniel, Stephanie, Chloe at Joshua ay kinausap naman muli ni Chloe si Stephanie at unti-unti itong nilapitan. “Alam mo Stephanie, hindi ko alam na ganiyan ka pala kaganda. Kinabog moa ko sa sobrang ganda mo ngayon, para ka talagang anghel. Kanina hindi ko na alam ang gagawin ko sayo kasi nawalan ka na talaga ng malay,” pahayag ni Chloe sa kaibigan na si Stephanie Nagulat si Daniel at Joshua sa hindi inaasahang nangyari kay Stephanie habang kasama ni Chloe, “Si Stephanie nawalan ng malay?!” Tanong muli ni Daniel “Nako oo Daniel, hindi kami pumasok sa klase kasi lumabas na naman ang sa kamay niya, at hindi na din niya kinaya lalo na wala kaming tubig na dala,” saad naman muli ni Chloe kay Daniel. “Di ba hindi naman nag-kakaganyan si Stephanie kung walang nan

