Habang inaasikaso na nina Chloe at Daniel si Stephanie, habang unti-unting nagiging maayos ang pakiramdam ay nag-salita si Daniel. “C-chloe ano ba ‘to? Anong nangyayari kay Stephanie?” tanong ni Daniel sa kaibigang si Chloe dahil naguuluhan ito. “Hindi ko alam Daniel, kapag nangyayari yun nahihirapan si Stephanie. Kanina, di ba nag-CR kami ni Stephanie bago tayo kumain ng tanghalian? Yan ang nangyari sa kaniya kanina sa banyo kaya siya basang-basa ng tubig. Saka lang siya mawawala kapag nakakahawak siya o nailulublob ang kaniyang kamay sa tubig,” tugon ni Chloe sa kaibigang si Daniel Napatingin si Daniel sa mukha ni Stephanie at habang pikit ito at basang-basa ay hinawakan ito ni Daniel sa kaniyang mukha, “Stephanie, bakit nangyayari sayo yan,” pahayag ni Daniel sa kaniyang pinakamamaha

