Habang nakamasid si Stephanie sa daan, ay hinawakan ni Daniel ito sa balikat niya. “Stephanie? Ang lalim ng iniisip mo ah, are you okay?” tanong ng kaibigan sa kaniya. “Ahm, okay lang,” tugon ni Stephanie “Tell me, ano iniisip mo?” tanong naman muli ni Daniel. “Pakiramdam ko napapagod ako kahit hindi naman ako nakakaramdam, nakakasawa kasi ang paulit-ulit na mag-tataka ka, magtatanong kung bakit ganito ang mundo sa akin,” tugon ni Stephanie sa kaniyang kaibigan. At napatingin naman si Chloe at Joshua kay Stephanie, ganoon din si Daniel habang napatahimik. “Hindi ba kayo napapaisip? Ikaw Chloe at Joshua? Hindi ba kayo napapaisip na parang may binabalak sayo ang matrona, na bakit galit na galit ang nasa paligid ko lalo na si Sydney? Hindi ba tahimik naman mundo ko dati?” pahayag ni Step

