Habang nasa klase sila ay pinag-titinginan sila ng mga kaklase nila hanggang sa matapos, at napansin naman iyon ni Stephanie. “Daniel? Bakit parang pinag-titinginan tayo?” pag-tatakang tanong nito. Napatingin naman sa paligid si Daniel, at ganoon din ang napansin niya. “Alam ko na, baka dahil sa napansin ni Sir kanina,” tugon naman nito. “Natatakot ako, baka hanggang sa pag-labas natin ganito ang isipin nila,” pahayag muli ni Stephanie “Ano ka ba, alam naman nating ang totoo eh. At saka, bakit ka matatakot, ako bahala sa iyo,” tugon muli ni Daniel. Biglang umimik ang kanilang guro ng bigang nag-bell. “Okay class, dismiss. Please mag-review kayo para bukas dahil may quiz tayo,” pag-papaalam sa kanila ng kanilang guro. “Yes sir,” sabay-sabay na tugon ng mag-kakakaklase Ng makaalis na

