TANNA’S POV Tinignan ko ang ekspresyon ng mukha ni Hannah at bakas sa mukha niya na nagulat siya sa tanong ni Kuya Baron. Ngayon alam ko na kung bakit nasa mansion nila si Xiro. “Ano ba ang nangyari?” tanong ni Kuya Baron. Inayos ni Hannah ang sarili niya at saka siya tumingin sa amin ni Kuya Baron. “That was not the first,” pauna nito na s’yang ikinatakip ng bibig ko. “Putangina, Hannah, kailan pa?” tanong ko. “Eh kasi…” “When was the first?” tanong ni Eve. Tumingin siya kay Eve at saka siya nag-aalangan na sumagot. “S-Sa C-Cabin,” nauutal na sagot nito. “Putragis!” ani ko at saka ginulo ang buhok ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko ngayon at pakiramdam ko ay ang daming nangyari na hindi ko alam. “Cabin? In my…” “Yes,” saad ni Hannah. “Ayy kaya pala nadiligan na pa

