HANNAH’S POV Nang makababa ako ay hinanap agad ng mga mata ko sina Tanna at Ate Eve pero noon ko lang napansin na nasa isang probinsya pala kami. Habang nakatingin sa malayo ay natanaw ko si Kaito at Kuya Baron. Lalapit sana ako sa kanila pero bigla na lang akong hinawakan ni Xiro sa braso ko. Napalingon ako sa kaniya at seryoso lang ang tingin nito sa akin. “What?” tanong ko. “Are you avoiding me?” tanong niya. “Bakit?” “Napapansin ko lang na iniiwasan mo ko.” “Talaga? Buti pa ‘yon napansin mo,” walang ganang sabi ko at saka binawi ang kamay ko at saka ko inayos ang sarili ko. “Pero iyong effort na ginagawa ko hindi,” dagdag ko pa. Tumalikod ako sa kaniya at saka ako lumapit kay Kuya Baron. Kumapit ako sa braso niya at si Kaito naman ay akmang yayakapin ako nang iharang ko ang

