THIRD PERSON’S POV Abala ang lahat sa pag-aasikaso para sa kaarawan ni Eve. Naghanda na rin si Hannah ng kaniyang ireregalo para kay Eve at halos hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Nang tignan ang kaniyang sarili sa salamin ay napatingin siya sa buong pagkatao niya. Ang kumikinang nitong dress ay bumabagay sa kaniyang kutis at ayos. “Waw, parang ngayon ko lang naramdaman ulit maging babae,” ani nito sa kaniyang sarili. “Tanga, eh hindi ka naman kasi nagsusuot ng dress,” sabi naman sa kaniya ni Tanna. Tinignan niya ito mula sa salamin at saka napangiwi. “Panira ka talaga kahit kailan!” Habang inaayos ni Xiro ang kaniyang toxido at hindi nito makalimutan ang mukha ni Hannah na umiyak sa harapan niya. Hindi niya kasi aakalain na masasakyan ang dalaga sa ginawa niya. Gusto niyang hu

