HANNAH’S POV Sa paglabas ko ng k’warto ay nakita kong tila tulala si Tanna at malalim ang iniisip. Umupo ako sa harapan niya at parang hindi man lang niya ako nakikita. Nangunot ang noo ko sa inaasal niya at saka ko hinawi ang kamay ko sa harapan niya. “Tanna,” tawag ko sa pangalan nito. “Ayy buangang babae. Invisible ba ako?” tanong ko pa sa sarili ko at hinawakan ang buong katawan ko. “Hindi naman?” Tumingin ako kay Tanna at muling tinawag ang pangalan niya pero hindi pa rin niya ako nililingon. “TANNA!” “Pukinihannah,” gulat na sabi nito at masama ko siyang tinignan. “Sa lahat ng sasabihin mo puki ko talaga? Hindi ba p’wedeng iyong sa ‘yo?” sabi ko at saka siya napangiwi. “Ginulat mo naman kasi ako,” nakangusong sabi niya. “You don’t hear me, even though I’ve been shouting you

