THIRD PERSON’S POV
“Oh, hi future-sister-in-law,” bati niya. “We met at the airport last month. Me and my friends were about to go to Paris and I saw his handsome face. Para bang nag-slowmotion ang lahat! Perfect ang anak mo, Tita! Ang galing niyo po gunawa nito Tito,” sabi nito at saka natawa si Evi.
“Ahh… hehehehe,” ani na lang ni Mrs. Gi. “Ano ka ba, ang hirap kaya ng pusisyon ko nang gawin namin si Xiro,” kuwento nito at saka tumawa.
“Oh my gosh, Mommy! Kadiri kayo!” sabi naman ni Evi at saka tumingin sa kaniyang Mommy at Daddy.
“Why? You’re not too young for that, Sweetheart,” sabi naman ni Mrs. Gi sa kaniyang anak.
“But I am embarrassed with what you are saying,” sagot naman ni Evi.
“H’wag po kayong mag-alala. Kapag kinasal kami ni Xiro gagawa kami ng marami,” nakangiting sabi ni Hannah at saka napatampal sa mukha niya si Evi.
Bigla ay parang nahiya si Evi. Kumain na lang din siya at nakinig sa kung ano ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Pero naalala ni Mr. Gi na hindi nila alam kung paanong nalaman ni Hannah ang kanilang bahay.
“Wait, I have something to ask,” pag-iiba nito sa topic.
“Ano po ‘yon, Tito?” tanong naman ni Hannah.
“How did you know our address?”
“Kay Ate Eve po,” sagot niya na magiliw.
“Eve? Where is she?” tanong ni Mrs. Gi.
“How did you know my sister?” tanong ni Evi.
“Nasa Palawan pa po si Ate Eve at nakilala ko siya sa Paris kasama si Xiro,” sagot nito.
“What? She was with Kuya?” takang tanong ni Evi.
Napahinto naman sa pagkain si Hannah at saka tinignan si Evi. “Why? Is there something wrong?” takang tanong niya.
“Because Eve had not come home anymore, we were worried about her, but we couldn’t talk to her because we were blocked from her. We didn’t know she had been with Xiro in Paris all this time,” sabi naman ni Mrs. Gi.
Bakas sa mukha nito na nag-aalala siya para sa kanilang panganay na anak. Ayaw naman itanong ni Hannah ang kung ano ang nangyari at bakit hindi na ito umuuwi sa bahay nila. Ayaw niyang panghimasukan ang buhay ng pamilya Gi.
“Tita, don’t worry. She’s okay and doing great. When we were with her in Palawan, we were just hanging out,” sabi nito at tila nakahinga naman ng maluwag ang mag-asawa.
Nagulat si Hannah sa paghawak ni Mrs. Gi sa kamay niya at saka napatingin dito. “Kapag nagkita kayo ulit ni Eve, tell me where she is, okay? I wanna see her badly. I miss my first born,” sabi nito at tila nagmamakaawa kay Hannah.
Hindi naman alam ni Hannah ang kung ano ang isasagot niya kay Mrs. Gi at saka siya napatingin sa asawa nito at anak. Tumango lang ang mga ito sa kaniya at saka siya ngumiti at tumango rin. Hindi naman niya kayang matiis na makitang may nalulungkot at may nag-aalala. Matapos ang kanilang salo-salo ay napagpasyahan na ni Hannah na umuwi.
Habang papasakay sa sasakyan si Hannah ay nakatanaw lang ito sa kaniyang silid habang ang parehong kamay ay nasa bulsa. “Pakialamera.”
Nang makauwi si Hannah ay tumambad sa kaniya ang kaniyang Nanay Linda na may dalang paborito niyang ice cream. Napangiti naman si Hannah at saka niyakap ang kaniyang Nanay Linda at hinatid siya sa kaniyang k’warto.
“Salamat po sa ice cream, Nanay Linda!” magiliw na sabi ni Hannah sa kaniyang Nanay Linda.
Natuwa naman ang matanda sa kaniya at hinawi ang buhok nito habang kumakain ng ice cream. Simula pa noong musmus pa lamang ay siya na ang nag-alaga kay Hannah at alam niyang mabait na bata si Hannah. Ngunit hindi lang siya napagtutuunan ng pansin ng kaniyang mga magulang dahilan para hanapin ni Hannah sa iba ang pagmamahal na gusto niya.
“Bakit po gising pa po kayo ng ganitong oras? Paano niyo po nalaman na uuwi ako?” takang tanong niya.
“Tinawagan ako kanina ni Tanna,” sagot nito.
“Alam mo ba Nanay. Pumunta po ako sa bahay ng magiging future husband ko!”
“An giyong pyutur hasband? Ano naman ang ginawa mo doon?”
“Nanay Future po. Ang ginawa ko po doon ay niligawan ko ang pamilya niya at siya.”
Nagulat ang matanda sa sinabi ng kaniyang alaga. “Ano? Ikaw na ang nanliligaw sa lalaki?” naiiling na sabi nito. “Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Lalaki na ang nililigawan,” sabi nito at natawa si Hannah.
TANNA’S POV
Habang naglalakad ako sa park kasama ang aso ko ay may nakasalubong akong hindi ko dapat makasalubong. Liliko sana ako ng lalakaran pero bigla na lang ay nasa harapan ko na siya.
Bakit ba hindi ko naisip na malapit lang siya dito?
“Hi, Tanna,” bati niya sa akin.
Huminga ako ng malalim at saka siya tinignan. “Oh! Edward, ikaw pala,” ani ko.
“Y-Yea. I saw you so…”
“Oh, okay. We have to go,” sabi ko at saka binuhat si Basi pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.
Lintik na lalaking ‘to.
“Ahhh, yes? May kailangan ka ba?” tanong ko.
“Can we talk?”
“May kailangan ba tayong pag-usapan? Hindi ba’t wala na?” ani ko sa nagpipigil na galit.
“Please, hear me out,” pagmamakaawa niya.
Binawi ko ang braso ko at binaba ko muna si Basi. “We’re done, Edward, ano pa ba ang pag-uusapan natin?”
“Because you didn’t let me explain my side, Tanna.”
“Explain ang ano? Hindi naman ako kasing tanga ng ex mo noon na hinayaan kang lokohin lang ako.”
Tinalikuran ko siya at saka tumakbo at buti na lang ay sumunod si Basi. Hindi na ako lumingon at kahit na naririnig ko ang boses niya ay wala akong pakialam. Nang makalayo kami ni Basi ay kinuha ko ang phone ko saka ko tinawagan si Hannah.
“Oh?” bungad nito sa kabilang linya.
“Where are you?” tanong ko habang naglalakad.
“I was working at home. May mga kailangan lang akong reviewhin,” sagot nito.
Habang naglalakad at nakikinig sa sinasabi niya ay nanliit ang mga mata ko nang makita si Xiro na mayroong kasamang babae. “Xiro?” banggit ko sa pangalan nito.
“Xiro? Nakita mo si bebelabs ko?” natatarantang tanong ni Hannah.
“Ha? Ahhh. Hindi! Ano—akala ko lang si Xiro,” pagsisinungaling ko at saka lumiko ng landas.
Hindi si Ate Eve ang kasama niya. Sino ‘yong babae?
“TANNA!”
“Pukinihanna.”
“Gosh! What are you doing? Hindi mo ba naririnig ang sinasabi ko?”
“Ha? Ano ba ‘yon?”
“I am asking you where we could meet.”
“Sa Grand Mall na lang. Maliligo lang ako saglit,” sabi ko saka binaba ang tawag.
Umupo muna ako at saka ako napahilamos sa mukha ko. Tumakbo na akong muli at nang makarating sa bahay ay agad akong nag-asikaso. Pagdating sa Grand Mall ay agad kong nakita si Hannah at nilapitan ko siya. Halata sa mukha niya na na-stress siya at ilang linggo na rin nang hili kaming nagkita.
“Waw, marunong ka pala magtrabaho?” pang-aasar ko sa kaniya.
“Tanga, hindi naman porket marami akong pera ay hindi ko na kailangan magtrabaho,” inis na sabi niya.
Napakibit balikat ako at saka kami pumasok sa mall. Nag-ikot kaming dalawa at naghanap ng kung ano ang p’wedeng mabili. Pumunta kami sa book store at bumili ng libro. Pagkatapos ay pumunta kami sa isang café. Pagpasok do’n ay napahinto ako nang makita ko si Xiro at naroon din ang kasama niyang babae.
“Patay,” bulong ko sa sarili ko.
“Sinong patay?” tanong ni Hannah.
Hinila ko siya palabas ng cofé at akmang titingin pa sana siya pero agad kong nilihis ang mukha niya. “Ibig kong sabihin ano…Doon na lang tayo sa Japanese restaurant, nagke-crave kasi ako ng Japanese food,” pangangatwiran ko.
“Waw? Ano ka buntis?” pang-aasar naman niya.
“Oo, ikaw ninang.”
“Tanga hindi ka pa nakaka-move on sa ex mo, h’wag ako.”
“Ang pangit mo ka-bonding!” nakangusong sabi ko. “Pero speaking of ex, I saw Edward earlier,” sabi ko at napahinto siya.
“We? Saan? Bakit? Ano nangyari? Ano sinabi sa ‘yo? Ayos ka lang ba?”
Kinaoa niya ang noo ko na ani mo’y may lagnat ako kahit na wala naman. Agad kong tinabig ang kamay niya sa noo ko at saka inis na naunang maglakad.
“S’yempre ayos lang ako. Isa pa ay kasama ko naman si Basi kanina.”
“Bakit masasapak ba ng aso mo ang ex mo?”
“Alam mo ikaw, hindi porket wala ka pang ex aasarin mo na ako ng ganiyan. Ikaw nga naghahabol sa taong hindi ka gusto, e.”
“Aray ha.”
“Pasalamat ka mahal kita kaya med’yo sinusoportahan pa kita.”
“E’di thank you!”
“Dapat lang! Ako na ‘to, oh!” pagmamalaki ko.
Tinawanan na lang niya ako at saka kami naghanap ng Japanese restaurant. Sa pagpasok namin ay agad kaming naghanap ng mauupuan at nang makahap ay nag-order na si Hannah habang ako naman ay nagbabantay sa upuan naming dalawa. Habang tahimik akong nakatingin sa phone ko ay may pigura akong nakita mula sa harapan ko at nang tignan ko kung sino ay naibaba ko ang phone ko.
“Edward…”
“Kaya ba ayaw mo na akong kausapin dahil mayroon ka nang iba?” tanong nito sa seryosong tono.
“Ano bang sinasabi mo?” naguguluhang tanong ko.
“Who are you with?”
“Pakialam mo ba?”
Bigla ay hinawakan nito ang kamay ko at nasasaktan ako sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung paano niyang nalaman na nandito ako. Sa punto na ‘to ay bigla akong natakot sa kaniya at naluluha na ang mga mata ko kasi ayaw niya rin akong bitawan. Bigla ay may tumulak sa kaniya dahilan para dumangi siya sa isang table sa likuran niya at mabaling ang tingin ng mga tao sa amin. Napatingin ako sa kung sino ang may gawa at naroon ang seryoso at galit na mukha ni Hannah.
“Hannah…”
“Ikaw tarantado ka rin ano?” galit na sabi nito. “Ex ka na nga nangugulo ka pa? Ano pa bang ipapaliwanag mo sa kaibigan ko? Gagawin mo pa rin siyang tanga?”
Tumayo si Edward at saka tinignan ng masama si Hannah. “You’re not fvcking involve here!” sigaw niya kay Hannah.
“I can make you go to jail if I wanted to, Edward. You’re harassing my best friend!”
“I’m just talking to her! I didn’t do anything wrong! Ikaw nga ‘tong tumulak sa akin ako ang dapat magsampa ng kaso sa ‘yo!”
Para akong mababaliw sa kanilang dalawa at pakiramdam ko ay nanliliit ako. Si Hannah lang ang may lakas ng loob na makipag-away lalo na sa publiko pero ako ay hindi. Pakiramdam ko kasi ay mahihimatay ako lalo na’t naririnig ko ang mga bulungan. Hinawakan ni Hannah ang kamay ko at saka ako hinila. Pero hinawakan naman ni Edward ang kabilang kamay ko at napahinto si Hannah sa paghila sa akin.
“Let her go!”
“NO!”
Hindi na nakapagpigil pa si Hannah at saka niya sinipa si Edward. Pero nanlaki ang mata ko nang akmang susuntukin niya si Hannah. Napapikit ako ng mariin pero wala akong narinig na kahit na ano mang pag-inda. Narinig ko lang ay ang pagkagulat ng mga tao sa paligid.
“You have no right to hurt a woman,” seryosong sabi ng tinig.
Agad na napatingin ako sa kung sino ‘yon at napatakip ako sa bibig ko. “Oh my gosh bebelabs!” masayang bati ni Hannah at saka kumapit sa braso ni Xiro.
Wala talaga siyang pinipiling lugar sa kalandian niya.
“Bebelabs?” ani ng babaing nasa gilid niya.
Napatingin kaming pareho ni Hannah sa nagsalita at doon ko nakita ang magandang babae. May bangs ito at straight ang kaniyang itim na buhok. Bilos ang mukha at bilog rin ang mga mata. Mapula ang labi at iyong hintuturo niya ay nakalagay sa baba niya na ani mo’y nag-iisip.
“May jowa ka na pala, Kuya?”