HANNAH’S POV “Eh wala naman po talaga akong pera, Tita,” saad ni Baron. “Naibigay ko na po kay Christian kasi—” “Eh tangina nangangatwiran ka pa! Ikaw na nga lang nakikitira dito ikaw pa manunumbat? Ano ang pakinabang mo?” ani ng babae sa kaniya. Hindi ko natiis ang eksena at saka ako pumasok sa loob ng bahay nila at napatingin ang lahat sa akin. Tumingin ako kay Baron at saka ako ngumiti sa kaniya at sumunod naman sa akin si Nanay Linda kasama ang mga kaibigan namin. “Oh, gosh! It’s so sikip here!” maarteng sabi ni Tanna. “Malamang maraming tao,” sabi naman ni Hiro. “Hoy! Sino kayo? Trespassing kayo ah!” sigaw noong babaeng nanigaw kay Baron. “I am Hannah Zasnea Fujita,” pagpapakilala ko. “Oh ano ngayon?” mayabang na sabi ng isang lalaking kalalabas lang ng banyo. “Trespassin

