HANNAH’S POV
Habang nasa elevator ay parang bigla na lang akong nahiya sa kaniya. “Grabe, I really didn’t expect that you we’re here,” sabi ko at saka tinaas ang parehong kamay ko. “Pramis mamatay man si Hiro,” dagdag ko pa.
The elevator stopped and I smiled. I remembered the floor he went to, then I looked at him with a smile. I didn’t follow him and closed the elevator; then I went up to the rooftop. Kailangan kong makaisip ng paraan para malaman kung ano ang mga gusto niya at sa kung ano ang mga ayaw niya.
Habang nag-iisip ako ay pumunta ako sa may garden at saka ako tahimik na umupo. Naalala ko ang number niya na naka-save sa phone ko at agad kong kinuha ang phone ko at saka tinignan ang number niya. Kinilig ako nang makita ko kung ano’ng inilagay kong pangalan sa kaniya.
“My future husband,” ani ko at saka niyajap ang phone ko at natatawang kinikilig.
“Hoy!”
“AHOY!” gulat na sabi ko at saka ako napalingon sa kung sino ang sumigaw.
“Who are you?” tanong ng babae.
Agad akong tumayo at saka ngumiti ng matamis sa kaniya. “Ahhh… Hello, I’m Hannah,” pagpapakilala ko.
She just rolled her eyes at me and gave me a bitter look from head to toe. As if I did something to her, pero wala akong panahon para makipagtalo sa babaing walang sense of fashion. Akmang aalis na sana ako pero bigla niya akong pinatid dahilan para muntik na akong madapa at saka ako napatawa ng pagak at mapalingon ako sa kaniya.
“Ayy taray namamatid?”
“Is it my fault that you didn’t see my—”
“Oo kasalanan mo kasi nakaharang ‘yang pangit mong sapatos!” inis na sabi ko at saka ako mabilis na tumakbo papunta sa elevator.
Hindi naman nila ako hinabol pero nag-assume akong hahabulin niya ako kasi mukha naman siyang pikuning nilalang. Nang makababa ako ay nakangiti ako. Nang makalabas sa building na ‘yon ay hindi maalis sa isipan ko kung gaano siya ka-g’wapo sa kaniyang suot.
“Grabe, kung siya na talaga Lord, kahit ano po gagawin ko mahalin niya lang ako,” sabi ko sa sarili ko at saka bumalik sa café ko.
Nang makabalik ako ay sumakay ako sa kotse at saka pinuntahan si Tanna sa bahay nila. Sakto naman na wala siyang ginagawa kaya naman nasa may pool area lang kami. Habang nakababad ang mga paa namin sa pool ay kinukuwento ko sa kaniya ang nangyari kanina nang makita ko si Xero. Tumatango lang siya sa mga kuwento pero parang hindi naman siya nagiging interesado.
“Ako ba ginagago mo?” inis na tanong ko.
“Tanga ka ba? Ako na lang nakakatiis sa ugali mo gaganiyanin mo pa ako?” sagot naman niya. “Gets ko naman ang punto mo, Hannha. You like him and you fell in love with him at the airport when you first saw him. But one thing that I don’t get was, why are you chasing him?” tanong niya at saka kinain ang hawak kong cupcake.
“Augh! That’s mine, Tanna!”
“Sa ‘yo nga pero hindi mo kinakain kanina mo pa hawak!”
“Tsk. I am chasing him because I love him! I am chasing my future!” sagot ko naman sa kaniya.
“Chasing your future? Hindi ka nga niya nakikita sa future niya.”
“Ipipilit ko!” sabi ko na may taas noo.
Umiiling na lang siya sa akin sabay sabing, “Tanga ka talaga.”
Naghubad na lang siya ng tshirt at saka nag-swimming. Ako naman ay nakatingin lang sa kaniya at napapangiwi. I was wondering why she hated Xiro so much. He was a good guy and good-looking too. Though, he was such a busy person and did not even look at me. But I know someday, I will marry that man, and we will have a good family.
“Sisiguraduhin kong siya ang makakakuha ng perlas ng silanganan ko!” nakangiting sabi ko.
“BOBO!” sigaw naman ni Tanna at saka ako binasa.
“Anong perlas ng silanganan?”
Napalingon kaming pareho ni Tanna kasi dumating si Hiro. Napangiwi naman ako at saka uminom ng juice. “Hannah was daydreaming about the love of her fvcking life and she wanted to fvck that man.,” sagot naman ni Tanna.
Sinamaan ko siya ng tingin at saka siya umirap. “Ano?” sabi naman ni Hiro.
“Bakit naman hindi?” saad ko saka tumayo. “Sa kaniya lang bubukaka ang kiffy ng eabab na ito!”
“Kaibigan kita, Hannah pero hindi ko itotolerate ang pagiging malandi mo!”
“Hoy! Grabe ka!”
“Tsk. Tigilan niyo na nga ‘yan. Kababae niyong tao ganiyan pinag-uusapan niyo,” sabi naman ni Hiro at nilayasan kaming dalawa.
Napabuntong hininga na lang ako at saka sinamahan si Tanna sa paglangoy. Tuloy ay naisip kong pumunta ng palawan kaya naman agad akong nag-book ng ticket papunta sa Palawan. Tumingin ako kay Tanna at tila ba nabasa niya ang iniisip ko kaya naman buntong hininga siya.
“Kakapunta lang natin sa Paris aalis na naman tayo?”
“Hindi naman sa ibang bansa. Don’t worry, Palawan lang ‘to!”
“Eh ano bang magagawa ko? Bukod sa nag-iisa ka lang na anak at wala rin akong kapatid na babae, malamang sasamahan kita. Kahit malandi ka, mahal kita.”
“Waw, salamat!”
“Talagang salamat. Ako na ‘to, Hannah! Ang nagtitiis sa ugali mo!”
“Salamat sa pampa-plastic sa akin.”
Pareho kaming natawa sa sinabi ko at saka namin inubos ang oras sa pag-swimming. Nang sumapit ang gabi ay nakitulog ako sa kanila. Ayaw ko rin naman umuwi ng bahay dahil alam kong wala akong maaabutan. Kinabukasan ay agad kaming umalis at walang ibang dala kung hindi ang bagpack na kaunti lang ang laman. Sapat lang para sa tatlong araw sa Palawan.
“Kung hindi lang kita mahal, hindi naman ako sasama, e,” sabi ni Hiro.
“Sus! Yabang nito,” sabi ko naman. “Alam kong hindi mo ako matitiis!”
“Because I love you and you are in love with someone else. Pero ako ‘yong palaging nandito hindi mo pinagtutuunan ng pagmamahal mo. Naghahabol ka pa sa iba.”
Nawala ang ngiti sa labi ko at saka ko sinipa ang paa niya. “Panira ka ng araw. Ewan ko sa ‘yo,” sabi ko na lang at saka kumapit kay Tanna.
Nang makasakay kami sa eroplano ay ilang sandali lang ay nasa palawan ba kami. Hindi ko naman matitiis si Hiro dahil kaibigan ko siya at kahit na kailan ay hindi ko pinangarap na maging boyfriend ko siya. Hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama siya sa hinaharap. Habang nagpapahinga kami sa hotel na tinutuluyan namin ay naiisip ko si Xero.
“Why is he always making me fall in love with him even though he didn’t do anything to make me fall?” tanong ko sa sarili ko.
I was wondering why I liked him. Though, it's given that he was intelligent and attractive. However, he is extremely workaholic and harsh. He didn't appear interested in a relationship, based on his eyes and impression.
As time went on, we made the decision to watch the sunset from the coast. Habang nakaupo ay napapangiti ako kasi kahit na wala akong kapatid, hindi ako pinapansin ng mga magulang ko at hindi nila ako pinagbabawalan sa lahat ay nakukuha ko naman ang pagmamahal ng ibang tao.
“Hindi pa rin ba nagbabago ang sistema sa bahay niyo?” tanong ni Tanna.
Umuling ako sa kaniya at saka bumuntong hininga. “Kahit naman nagiging busy sila at hinahayaan ka ay alam kong mahal ka nila,” sabi naman ni Xero.
Tumingin ako sa kaniya at saka ako ngumiti. “Waw naman, Xero. Ang kyut mo talaga parekoy!”
“Matagal na akong kyut, marami kayang naghahabol na babae sa akin kung hindi mo lang alam.”
“GRABE NAPAKALAKAS NG ALON!” sigaw ko.
“Hoy, mababa na ang tubig anong malakas?” sabi naman ni Tanna.
“Kapatid mo ang lakas ng amats,” inis na sabi ko at saka ako tumayo.
Inalisan ko sila at saka ako bumalik sa hotel. Pumunta ako sa kainan kasi nagugutom ako. I want something to eat and something to drink. Habang nakatingin sa buong paligid at naghahanap ng resto bar ay napahinto ako nang makita ang isang pamilyar na imahe.
“Ate Eve?” ani ko at saka nakangiting lumapit dito.
Nakaupo kasi siya sa isang high chair at umiinom ng girls drink. Mag-isa lang siya at wala siyang ibang kasama kaya naman lakas na loob ko siyang nilapitan. When I finally near to her, I tapped her shoulder and then she looked at me.
“Oh? Hannah!” Agad ako nitong niyakap. “What a coincidence!” nakangiting sabi nito.
Umupo ako sa tabi niya at saka ako nag-order ng drinks ko. “What are you doing here, Ate Eve?”
“I just want to unwind. You know, working is good but it is not good if you are too workaholic and addicted to it. So, I decided to have some fun and relax,” sagot nito.
“Eh, how about my bebe, Ate Eve?”
Nangunot ang noo niya sa akin pero agad din itong napalitan ng ngiti at saka siya tumawa. “Oh! Si Xero? He was too busy and I am sorry that he was so rude to you. He was acting like that but I promise he is not that bad.”
“I know, Ate Eve. He was just like that kasi kinikilig siya sa mga banat ko,” pagmamayabang ko.
“HANNAH!” sigaw ni Tanna at napalingon kami ni Ate Eve.
“Tanna!” Kaway na tawag ko sa kanita at saka tinaas ang kamay ko. “Ate naalala niyo po si Tanna? Sita po ang friend ko at iyong kapatid naman po biya ay si Hiro,” pagpapakilala ko sa kanila.
“Oh, hi!” bakit ni Ate Eve sa kanila. “Kamusta?”
“Hi Ate Eve! Ano po ang ginagawa niyo dito?” tanong ni Tanna.
Tumingin ako kay Hiro na nakatingin kay Ate Eve at nakanganga pa ito. “Oh, isara ang bibig baka mapasukan ng langaw ‘yan,” puna ko sa kaniya.
Agad naman niyang sinara ang bibig niya at saka lumapit sa akin. “I wasn’t looking at her,” pagdadahilan nito.
“I wasn’t looking at her,” panggagaya ko naman sa kaniya. “Ulok mo! Kitang-kita ko kung paanong kuminang ‘yang mata mo. Itong tangang ‘to tinatarantado pa ako,” sabi ko saka ko siya tinuro.
“Hoy! Hindi ako katulad mong na-love at first sight! Isa pa ikaw lang gusto ko,” banat niya at saka ko siya inapakan sa paa.
“Wala akong panahon sa kalokohan mo,” walang ganang sabi ko at saka ako ngumiti kay Ate Eve. “Ate, natatakot po akong tawagan ang future husband ko. Sasagutin kaya niya ako?” tanong ko sa kaniya.
Tumawa siya sa akin at saka uminom. “Ano ka ba naman, Hannah! Nakakahiya ka talaga!” sita ni Tanna sa akin.
Hindi ko siya pinansin at nakatuon lang ang tingin ko kay Ate Eve. “He didn’t pick any call from strangers,” sagot nito sa akin na siyang ikinanguso ko.
“Sayang naman. Naka-save pa naman sa akin ang future husband ko,” kunwari ay malungkot na sabi ko.
Hinawakan ni Ate ang kamay ko at saka tumingin sa mga mata ko. “Don’t worry I will save your number on his phone as future wife,” sabi nito at saka kumindat sa akin.
Kinilig ako sa sinabi niya at saka ako tumalon-talon sa tuwa. Sinamahan namin si Ate Eve sa resto bar at nagsaya kami hanggang sa malasing kami. Hinatid namin si Ate sa k’warto niya at kami naman ay bumalik na rin sa room namin. Sa pagpasok ko sa k’warto ko ay hindi naaalis ang ngiti sa labi ko dahil hindi ko maiwasan ang hindi maisip ang sinabi ni Ate Eve kanina. Panghahawakan ko ang sinabi niya at hindi ko kakalimutan ‘yon.
Kinabukasan agad akong lumabas nang hotel para hanapin si Ate Eve. While searching for her, I saw a strange man who was talking to her and it seemed like she didn’t know that man. I immediately came to her, and then I looked at the man she was talking to.