MARIAS OF MY LIFE Maria Jewel Aguinaldo THE BODYGUARD written by: Blackrose Chapter 9 One week na ang nakakalipas mula ng mangyari ang tangkang pagpatay ni Gerald kay Cale. Sa isang linggo na nagdaan ay naging busy ako sa pagkuha ng details and infos ng mga employees ni Cale at so far ay nagawa ko ng makapasok sa tinitirhan nila Marketing Manager and BOD Tomas Hipolito at HR Department Head and BOD Agusto Panganiban. Tinaon kong madaling araw ng niloob ko ang mga bahay nila at natuklasan ko rin na bukod pala sa LED Inc. ay shareholders rin pala sila sa LE Country Club at sa CHARMILD CRUISE INTERNATIONAL, na natuklasan kong mga multi-million dollar ang annual gross. May personal rin silang mga businesses, si Hipolito ay tracking business while si Panganiban ay into courier business. W

