MARIAS OF MY LIFE Maria Jewel Aguinaldo THE BODYGUARD written by: Blackrose Chapter 31 Katulad ng napagkasunduan namin ni D ay nagpunta kami sa Quiapo, dala namin ang Strada niya. We picked up the children na mga kasamahan ni Gerald noon. At first ay ayaw pa nilang sumama sa amin pero nang sinabi kong makakapag-aral ulit sila, na may tutuluyan na sila na maayos at makakakain na sila sa oras ay sumama na sila sa amin. Nagpunta muna kami sa Mall, kumain at namili ako ng gamit para sa kanila. Mga damit nila at iba pang mga pangangailangan nila. Then after sa Mall ay tumuloy na kami sa Quezon City. Excited na ang mga bata ng makita nila ang lugar. Ti-nour kami ng Head Director ng naturang orphanage, tuwang-tuwa sila ng makita nila ang basketball court sa likod at ang bodega kung saan may

