MARIAS OF MY LIFE Maria Jewel Aguinaldo THE BODYGUARD written by: Blackrose Chapter 13 Kadarating ko lang sa condo unit ko galing Pasig City at sa Agency, binagsak ko ang patang katawan ko sa sofa. Sobrang pagod ko as in pero kahit papaano ay may napala naman ako sa lakad ko today. Hinubad ko ang holster vest ko pati ang aking sapatos tapos ay nagpunta ako ng kusina at kumuha ng beer in can, dumeretso ako sa veranda ng kwarto ko bitbit ang beer at sigarilyo. Habang umiinom ako at naninigarilyo ay pinagdikit-dikit ko sa isip ko ang mga natuklasan ko. Pagkaubos ng beer ay mabilis na akong naligo tapos ay nagsuot ng black skinny jeans at black blouse. Pagka-refill ko ng mga bala sa dalawang baril ko ay sinuot ko na ulit ang holster vest at itim na leather jacket ko. Lagare ako ngayon pe

