NANG iparating ko na sa mga magulang namin na nagising na si Beckett ay agad na dumalaw si Don Armani pata makita ang kalagayan ng anak niya. "Masaya akong nagising ka na, Beckett," sabi ni Don Armani. "Masyado mong pinag-alala ang asawa mo." Nahihiyang nayuko lang si Beckett. "Pinagalitan ko na po siya, Dad," sabi ko. Nagbuntong-hininga ang Don. "Mula nang manalo ka sa gladiator fight. Marami na ang gustong mag-invest sa kumpanya natin. Meron din panibagong gustong humamon sa'yo, but I refused. At dahil sa pagkapanalo mo marami rin ang umiiwas sa Cosa Rica Familia dahil sa takot." Tama nga ang sinabi ng ama ko. May maganda ring dulot ang pagkapanalo ni Beckett sa Gladiator fight. "Tulad ng sinabi ko at pangako ko kay Jordan hindi ko na ulit ilalagay sa kapahamakan ang buhay ko lalo

