Apple's POV PAGSAPIT ng gabi ay bumukas ang pinto at iniluwa ni'yon si Luca. Galit naman na tumingin si Beckham sa bagong dating. "Apple, let's go," sabi ni Luca sa akin. Humakbang ako palapit kay Luca nang pigilan ako ni Beckham sa braso. "Are you really going with him?" "Oo." "You're not safe with him," tiim ang bagang sabi niya. Marahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko. "Buo na ang desisyon ko. Kaya wag mo na akong pigilan pa." Nilagpasan ko na siya pero muli siyang nagsalita na ikinatigil ko. "Mahal kita, Apple." Nilingon ko siya. "Ibaon mo na sa limot 'yang pagmamahal mo para sa akin tulad ng sinabi mo, Beckham. Because I'll choose Luca over you." Pinagpatuloy ko na ang labas konng kwarto hanggang sa maisara ang pinto. "What a f*****g scene. Masyado kayong madrama sa

