KINABUKASAN, tulad nga ng sinabi ni Beckett ay pinadala nga nito ang mga damit pang opisina na susuotin ko. Pero sa dami ni'yon ay halos mapuno na ang kwarto ko at idagdag pa na branded ang mga iyon. Dahil tulog pa si Alessandro ay naligo na ako at naghanda na sa pagpasok. Pagkatapos kong maligo ay agad kong isinuot ang isa sa mga napili kong ternong office attire. It's a red blazers suits two piece with tops and skirt. Bumagay iyon sa balingkinita kong katawan. Pagkatapos kong magbihis ay itinali ko pataas ang buhok ko, in a messy bun style at naglagay lang ako ng manipis na make up para hindi naman ako maputla tingnan. Pagkatapos kong mag-ayos ay tinitigan ko ang sarili ko mula sa salalim. Hindi sa pagyayabang ay may taglay naman akong kagandahan at may ibubuga rin. Medyo kabado ako

