"ARE YOU ready?" tanong sa akin ni Caio nang huminto ang sasakyan sa harap ng mansion ng kinilala kong mga magulang. Kararating lang namin dito sa Pilipinas. Hinatid ko muna si Alessandra at ang yaya nito sa isang five star hotel bago kami nagtungo rito. "They are expecting your arrival," sabi pa ni Caio. "They know who I am?" tanong ko. "Of course. They know that this day will come." Kinuyom ko ang kamao ko. "Let's go," sabi ko na umibis na ng sasakyan. Alam ko na darating din ang araw na ito na muli kong makakaharap ang kinilala kong mga magulang bilang anak na ni Giovanni at hindi bilang anak nila. "Ready?" tanong sa akin ni Caio nang huminto kami sa pinto ng drawing room. "Yeah." Pagkasabi ko niyon ay binuksan na niya ang pinto at taas ang noong humakbang ako papasok sa kwarto

