SAGLIT NA umalis si Beckett para bumili ng mga kailangan namin sa isang Lingong pananatili namin dito. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at pumayag ako sa gusto niyang mangyari. We staying here as a couple for a week. Na walang ibang iniisip kundi ang kaming dalawa lang. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ni Beckett kung bakit niya gustong gawin ang ganito. Siguro, ito na ang paraan niya para magpaalam kami sa isa't isa at magsimula ng panibagong buhay ayon sa mga gusto namin. Umakyat ako sa ikalawang palapag at pumasok sa unang kwarto. Sa tingin ko ito ang master's bedroom dahil sa laki ni'yon. Tinanggal ko ang puting tela na nakabalot sa mga gamit pati na sa malaking kama. Naghalughog ako sa mga kabinet ng punda at kobre-kama at nakakita naman ako kaya agad kon

