Beckham's POV: "ANONG ibig mong sabihin na ayaw mo na?" galit na tanong niya sa akin. "I don't want to go through with the plan—simple as that," sagot ko. Iritableng tumawa siya ng pagak. "Beckham, anong akala mo sa ginagawa natin laru-laro lang na kapag ayaw mo na, pwede ka na lang umayaw? Kung kailan nakaabit na tayo sa ganito tsaka ka pa magba-backout!" sikmat niya sa akin. "I hate doing this." "No. I know there's a reason why you are backing out. Anong dahilan Beckham? Huwag mong sabihin sa akin na nakokonsyensya ka na sa ginawa mo kay Jordan?" Walang emosyon ko siyang tinitigan. "Hindi ako ang may plano sa pagtangkang pagpatay kay Jordan," mariin kong sabi. "Gusto mong malaman ang dahilan ko kung bakit ayoko na? Gusto ko na lang ng tahimik at gusto kong mabuhay na lang na mapaya

