C20

2033 Words

ANG MGA sumunod na araw ay naging boring at malungkot para sa akin dahil naging busy si Beckett sa kumpanya. Gabi na siya umuuwi kaya tulog na ako kapag umuuwi siya at sa umaga wala na siya sa tuwing gigising ako. Buntong hiningang humiga ako sa tabi ng anak ko na busy na naglalaro sa ipod nito. "Maganda ba iyang nilalaro mo?" tanong ko na ikinahinto ni Alessandro. "You want to try po?" Umiling ako. "Natanong ko lang." Tiningnan niya ako. "You look bored po." "Talaga?" Naupo si Alessandro. "Dahil po ba palaging wala si Mr. Beckett?" Naupo ako. "Mr. Beckett? Pwede mo namang tawaging tito si Becket." Umiling siya. "I don't feel like it." "Why?" Ngumuso siya. "I feel that he is courting you, Ma." "What if he is, papayag ka ba?" Marahan siyang umiling. "Ayoko ko po." Lihim akong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD