At tuluyan na ngang nilagnat si Aqua hindi na nga ito nakapasok. Itinawag naman agad ni Hiro kay Dok Santos na may sakit si Aqua. Habang si Hiro naman ay sumaglit sa kanyang opisina dahil may meeting sila. Bago iniwanan ni Hiro si Aqua ay sinigurado niyang okay ang dalaga. Pinagluto niya ito ng pagkain at dinala niya iyon sa loob ng kwarto. Ganoon din ang mga prutas na bagong bili niya at gamot. Lihim namang masaya si Aqua dahil kitang-kita niya kung gaano mag-alala sa kanya ni Hiro. "Hindi ka na naman uuwi sa bahay ngayong gabi?' Tanong ni Logan kay Hiro nang matapos na ang kanilang meeting. "Nope." Sagot ni Hiro habang inaayos nito ang kanyang mga gamit. "Parang nagmamadali ka, saan ka pupunta?" Pansin naman agad ni Adrian. "Somewhere, may aasikasuhin lang ako." Tugon ni Hiro at nag

