Kabanata 34 Napamulat ako. Inilibot ko ang tingin sa paligid na tila ba hindi ko alam kung kaninong kwarto at kaninong kama ako nakahiga sa ngayon. Inilayo ko sa aking katawan ang kumot at napaupo na rin sa kama. Nagulat lang ako no'ng napansin kong wala pala akong damit na suot at tanging bra lang kaya hindi ko rin maiwasan ang makaramdan ng matinding kaba. Tanging tao lang ang naaalala kong huli kong kasama si Colton at hindi rin ako sure kung masamang tao ba siya, siya ba ang nagdala sa akin o hindi. Kung may ginawa pa siyang masama sa akin. Kinapa ko ang lahat ng aking pribadong katawan para masiguro lang kung may mararamdaman ba akong sakit o wala. But I am thankful na wala akong naramdamang kung anong sakit sa aking hita o hiyas. Ilang sandali pa ay narinig at nakita kong bumukas

