Dinala ako ni Achilles dito dahil special ako. Kinalimutan ko na muna ang kanyang sinabi at lumabas na mula sa kanyang kotse. Inilibot ko agad ang aking tingin sa paligid. Isang magandang tanawin ang aking kaharap ngayon mula sa ilaw ng mga building. May sariwang hangin din ang huma-haplos sa aking balat. Inilabas ko agad ang aking cellphone at pi-nicturan ang magandang tanawin na makikita dito. Minsan lang din ako makakapunta sa mga ganito. "What do you think about this place?" tanong ni Achilles sa akin. Napahinto pa siya sa aking tabi habang pinagmasdan niya din ang magandang tanawin. "Maganda di'ba?" Napatango ako. "Salamat sa pagdala mo sa'kin dito. Iyong feeling na stress na stress ka at pumunta ka dito, mawawala na ang stress na nararamdaman mo." paliwanag ko. Ibinaling ko p

