Weeny's point of view Inaayos ko ang sarili ko habang nasa harapan ng salamin. "Beautiful!" sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ko ang sarili ko na baka suot ng gray cocktail dress. Tinignan ko ang engagement ring ko na mayroong malaking diamond. Ayaw na n'ya talaga akong pakawalan, kaya gusto na n'ya akong pakasalan. Sino bang gustong pakawalan ang isang babaeng kagaya ko. Ang swerte n'ya na hindi s'ya mali ng pinili. "Ma'am Weeny, nasa labas na po si Sir Axton," sabi ng maid sa akin. Agad akong tumayo dahil nasa labas na ang fiance ko, kinuha ko ang hand bag ko bago ako maglakad pababa. Habang bumababa ako na parang isang prinsesa sa bahay namin ay nakita ko ang aking prinsepe sa baba na naghihintay sa akin. Binigay ko ang isang pinakamatamis na ngiti habang nakatingin si

