Fay's point of view "Buti na lang talaga wala si Manager ngayon, payapa buhay natin," natatawang sabi ni Mae sa akin habang naglalakad kami sa parking lot. Hindi kasi pumasok si Weeny ngayon at walang nakakaalam kung bakit. Head namin s'ya at anak ng boss kapatid din ng shareholder kaya magagawa n'yang hindi pumasok pag ginusto n'ya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Papunta sa kotse ko. Wala kasi ako ngayon sa mood ngayon. "Alam mo kaninang umaga ka pa matamblay. Mayroon bang problema?" tanong sa akin ni Mae. Tinignan ko ito na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya. "Wala naman akong problema, naalala ko lang 'yung dati kong kaibigan," walang gana kong sagot kay Mae. "'Yung Hans ba?" tanong ni Mae sa akin. Habang naglalakad ako ay tumango sa kan'ya. Tumin

