Fay’s point of view Pagpasok namin sa loob ng casino ay pinalibot ko ang mata ko. Ang daming mga machine na hindi pamilyar sa mata ko. “Wag kang mag-alala, Fay, mag-e-enjoy tayo dito,” sabi ni Wilson sa akin. In-offer n'ya ang braso n'ya sa akin na agad ko naman hinawakan. Nagsimula kaming maglakad sa loob ni Wilson and hindi ko alam kung mag-e-enjoy ba ako sa ganitong lugar. Ang daming taong naglalaro at ang iba ay mayroon pang alak na dala. Mayroon din palang bar dito kaya parang bar lang din ang dating na mayroong sugal. Bawat nadadaanan namin ni Wilson ay tinitignan ko. Napapangiti ako sa tuwing mayroong lalaking na nananalo. Mukhang masaya sila. Napaiwas ako ng tingin at napahigpit ang kapit ko kay Wilson ng mayroon akong nakitang naghahalikan. Normal lang din ba ang mga g

