Fay's point of view "Itigil mo dito, basa na rin naman ako kaya okay na dito. Baka makita pa tayo ni Weeny," utos ko kay Axton. Wala pa kami sa bahay, pero kaya ko na iyong lakarin. Wala naman na akong kailangan na katakutan sa ulan dahil basa na rin naman ako. Tinignan ko si Axton na patuloy pa rin sa pagmamaneho. Hinawakan ko ang braso n'ya dahilan ng pagtingin nito sa akin. "Akala ko ba sasabihin mo kay Weeny ang ginawa ko sayo? Masmaganda kung sasamahan na kita," sagot ni Axton sa akin. "Ibaba mo na ako," utos ko sa kan'ya. Hindi pa rin ito humihinto kaya tinanggal ko na ang seatbelt kong suot. Bigla kong na naman napansin ang suot ni Axton na bracelet. "Hindi ako si Hans," seryosong sabi ni Axton sa akin. Umiwas ako ng tingin kay Axton at tinignan ang labas na umuulan h

