Axton's point of view Ngumiti ako kay Wilson, pero napansin ko ang masama n'yang tingin sa akin. Binitawan n'ya ang kamay ko bago kumain ulit. Tinignan ko ang plato sa harapan ko ng lagyan ni Weeny ng pagkain. Nilipat ko ang tingin ko kay Weeny, binigyan ko s'ya ng isang matamis na ngiti. Sobrang maalaga siguro s'ya kaya ko nagustuhan si Weeny. Nakangiti si Weeny sa akin kaya pagkatapos n'yang lagyan ng pagkain ang plato sa harapan ko ay hinawakan ko ang kamay n'ya. "Thank you," nakangiti kong sabi kay Weeny. "Wala kang naaalala kahit ano?" seryosong tanong ni Wilson sa akin. Tinignan ko ang seryoso n'yang mukha, sa itsura n'ya para s'yang walang alam na gawin at inaalagaan lang ni Weeny. Gusto kong isipin kung mayroon ba akong ala-ala kay Wilson, pero lahat ng nasa isip ko ay blangk

