Chapter 65 : Ang pagkikita ni Prinsipe Sekani at ang kauna-unahang berberoka Nakahinga na ng maluwag si Prinsipe Sekani dahil nailigtas niya ang lola niya. Ginamit niya ang healing power niya para mapagaling ang mga nasunog na balat ni Reyna Adelinda. Pagkatapos asikasuhin ang kaniyang lola ay agaran siyang nagpatawag ng pulong-pulong sa palasyo. “Malaking pagkakamali natin na wala tayong nilagay na barrier sa palasyo kaya’t nagagawang makapasok dito nila Avilar,” sabi ni Yanna. “Tama. Iyan nga rin ang kinakainis ko sa sarili ko dahil hindi ko naisip ‘yan,” sagot niya kaya hindi mawala ang pagkalukot ng noo niya. “Kumusta po ang inang reyna? Maayos na ba ang lagay niya?” tanong ni Zarina. “Oo, okay na siya. Magpapalakas na lang siya.” “Kung ganoon ay hayaan mong dumalaw ako sa kaniya

