(A/N) WARNING SPG: Dahan-dahan akong tumagilid bago hinimas ang kabilang gilid ng kama. Kumunot ang noo ko dahil wala si Matteo. Dinilat ko ang aking mata at tanging kunot na kumot lang ang bumungad sakin. Bukas ang mag kabilang bintana at tanging ihip ng hangin ang humahampas sa puting kurtina. Dahan-dahan akong bumangon saka luminga-linga sa paligid. Ang bahay ay binabalotan ng katahimikan. Napadpad ang tingin ko sa bago niyang cellphone na kulay gold. Inabot ko iyon mula sa maliit na mesa sa gilid at napagdesyonang buksan. Biglang lumapad ang ngiti ko ng bumungad sakin ang mukha ko mula sa screen. Sumimangot naman ako dahil tulog ako sa larawang ito ats obrang panget pa ng mukha ko. Bakit walang lock o kaya pin ang phone niya? Nirirespito ko ang privacy ni Matteo. Binalik ko ang ph

