Kaya pala gumawa ng surprisa si Matteo dahil sa mawawala sya ng ilang araw dito sa Pinas. Pagkatapos ng gabing iyon ay hinatid niya ako pabalik ng bar. Dumiretso agad sya ng Airport papuntang Macao. Dalawang araw na syang hindi nag paparamdam sakin, dalawang araw na akong naka abang sa cellphone. Maging sa trabaho ay hindi ko magawang mag concentrate dahil sa panay ang tingin ko sa cellphone. Ka'da minuto, segundo, oras ay wala akong sinasayang para sulyapan ang phone ko. Sobrang sikip sa dibdib at hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito. Nakailang mensahe na ako sa kanya sa messenger ngunit wala parin itong sagot. Napapikit ako habang nakapatong ang phone sa noo. Suminghap ako sa nararamdaman ko ngayon. Yong pakiramdam na namimiss mo iyong isang tao ngunit wala kang magawa kundi magh

