Chapter 2

2336 Words
Makalipas ang ilang minute nakarating na kami sa bahay ni Jerson. Sobrang laki ng bahay ni Jerson. Hindi ko aakalain na mayaman pala tong mokong na to. Malaki ang bahuran may garden, may malalaking bintana at pinto. Yun totoo mall totoo bahay?. Pumasok na kami sa loob ni James. Pagbukas namin ng pinto maingay na togtug, magagarang mga ilaw masasarap na pagkain, sari saring mga inumin at madaming tao. ginagala gala ni James yung ulo niya para hanapin si Jerson. "JAMES DITO!" sigaw ni Jerson habang nakataas ang kamay nito. Lumapit naman kami agad ni James. Sa bandang kanan ko na kita ko si Winnie Mukhang may tama na tong si Winnie. "PARTE! PARTE! WWOOOHHHH!!" galak ni Winnie habang hawak niya yung bote ng alak. Sobrang nagkakasiyahan ang lahat. Sayaw dito sayaw doon. Inom dito at inom doon. "Pre wait lang ha? Cr lang ako." Banggit ni James kay Jerson. "Uy Brenda inom tayo masarap to" yaya ni Alex sa 'kin. Nainom naman ako ng alak pero minsan lang. "Hehe sige lang maya maya." Banggit ko sakaniya. "May boyfriend kaba Brenda?" banggit ni Jerson habang naka ngiti sa 'kin. "Ah wala. Bakit mo na tanong??" banggit ko sa kaniya. Actually hindi pa talaga ako nagboboyfriend mahirap kasi sa istado ng buhay namin. Kada taon nalipat kami ng bahay e ayaw ko din naman ng LDR nakakapraning. "Ayun sakto! Haha" tawang banggit ni Jerson "si James single yun and panigurado magugustuhan ka nun" pahabol na sabi sa 'kin ni Jerson. "Haha abnoy!!" banggit ko sa kaniya. Kinuha ko na yung alak na binibigay ni Alex sa 'kin. Medyo mapakla ang lasa pero habang tumatagal sumasarap naman haha!. Nang maigala ko ang mata ko sa bandang kaliwa ng bahay nakita ko si James na naglalakad papunta samin. Ang gwapo niya talaga. Bad boy na badboy ang dating. Mukang malabong magka gusto to sa 'kin "James! Sayaw daw kayo ni Brenda" agad namang tinulak ako ni Alex papunta kay James at na salo naman niya ako. OMGIEE!! Nahawakan ko yung dibdib niya at ang lapit lapit ng muka namin sa isat isa. Para na kaming maghahalikan nito! "Sayaw tayo?" banggit ni James sa 'kin habang naka ngiti. Agad naman niya ko dinala sa dance floor at nagsayaw. Mas lalo siyang gumwapo dahil sa mga ilaw na tumatama sa kaniya. At lalo siyang sumexy nung naka bukas yung polo shirt niya. "Enjoy ba!?" banggit ni James sa 'kin. "Oo hehe ikaw ba?" ng biglang namatay ang ilaw at nagsigawan ang lahat. Sobrang dilim sa lugar halos wala ako maaninag na ilaw napakadilim. Nang maramdaman kong may yumakap sa 'kin at alam kong si James yun kaya yumakap na din ako, Napakahigpit ng yakap ko kay James kasi sobra akong na tatakot. Nang biglang bumukas ang ilaw lahat kami nakatingin sa taas ng bahay nila. "Anong mayroon? Bakit kaya namatay ang ilaw" sambit ng mga taong nasa loob ng bahay Biglang binalik ko yung lingon ko kay James laking gulat ko na ang kayapak ko pala ay isang matandang lalaki na duguan sugatan at puro saksak sa katawan. "AAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!" sigaw kong pagka sabi. Agad kong naitulak ang yung matandang lalaki na kayakap ko. Bigla ulit na matay ang ilaw. Sa loob ng tatlong sigundo bumukas ulit ang ilaw. Nang laking gulat ko ang daming batang nakapagilid sa 'kin duguan puro saksak sa katawan. Sobrang nakakatakot ang itsura nila. Ang sinasabi nila sa 'kin habang lumalapit. "MAMAMATAY KA! MAMAMATAY KA!" palakas ng palakas hanggang sa napaluhod ako at tinakpan ko ng kamay ko ang tenga ako sabay nun ay ang pagsigaw ko na malakas "TAAAMAAAAAAAA!!!!!!" at biglang bumukas ang ilaw at ang lahat ay naka tingin sa 'kin na akala mo naka kita ng multo. Agad na lumapit sa 'kin sila Jerson Alex at James. "BRENDA! OK KA LANG!?" pasigaw na sabi ni James sa 'kin. Bigla niya kong niyakap. Pinagpasiyahan ni James na iuwi nalang ako sa bahay namin. Lumabas kami ng bahay at sumakay sa sasakyan ni James para ihatid ako. "Ano bang nangyari sayo? Bakit bigla ka nalang sumigaw? Tapos bigla mo nalang din ako tinulak." Banggit ni James na habang nagdadrive at pasulyan na tumitingin sa 'kin. "Sorry James. Wala to dala lang siguro ng alak" banggit ko sa kaniya habang naka tungo ako. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "Kung may problema ka andito lang ako" banggit sa 'kin ni James. Nang makarating nako sa bahay. "Oh bukas nalang ulit." Banggit ni James at sabay halik niya sa pisngi ko. pumasok nako sa bahay at umakyat sa kwarto ko. Halos hindi pa din ako maka paniwala sa nakita ko kanina. 12 na pala ng madaling araw matutulog nako. . . . naalipungatan ako ng gising binuksan ko ang aking cell phone para icheck kung anong oras na. "3:00am palang" banggit ko habang kinukusot ang mata. Halos patay na ang ilaw sa buong bahay. Tanging mga dim light na kulay green ang nakabukas. Bumangod ako sa aking kama upang magcr. Dahan dahan akong lumalakad paba ng hagdan habang dala ko ang aking cellphone na siyang pinagkukuhanan ko ng ilaw. Nasa loob nako ng cr at naka upo na sa inidoro sinara ang kurtina. Medyo transparent lang yung kurtina namin. Pagmay dumaan na tao maaaninag mo agad. Habang naka upo ako sa inidoro may na rinig akong mga kutsarang na laglag. Agad akong nagulat. Binuksan ko lang yung pinto ng cr namin. "Ma!? Ikaw ba yan?" banggit ko na may halong pagkatakot. Nakatitig lang ako sa kurtina namin. May nakita akong batang tumatakbo ng mabilis. Agad ko namang hinawe yung kurtina para tignan ko kung sino yun. "MA! Ano ba!?" banggit ko sa kaniya na natatakot na ko. Pagkatapos ko magcr dahan dahan akong lumalabas ng cr habang sinisilip ko kung may tao. hanggang makarating ako sa hagdanan namin. Napalingon ako sa sala ng makita ko ang batang nakita ko sa house party. Agad kong pinikit ang sa 'kin mga mata. At dahan dahang dinilat. Pagtingin ko sa sala wala na yung bata. Dali dali akong tumakbo papunta sa aking kwarto. Bumalik ako sa kama kasunod nito ay ang aking pagtaklob ng kumot. Habang naka taklob ako ng kumot naaninag ko na may batang dahang dahan na lumalapit sa 'kin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagdasal ako. Hindi ko alam pero habang nagdadasal ako may na ririnig din akong nagdadasal. Pakiramdam ko nasa loob din ng kumot yung bata. Dahan dahan ako lumilingon ng bumungad sa 'kin ay batang nanlilisik ang mata at duguan. Bigla siyang sumigaw na "MAMAMATAY KA!!" "AAAAHHHH!!" pasigaw kong sabi. At nagising ako na hingal na hingal. "Omg panaginip lang pala" hingal kong pagka sabi. Agad ko naman kinuha yung phone ko para tignan kung anong oras na. nang laki ang mata ko ng makita ko na 3:00am palang. Napalunok ako ng dahan dahan. Bumangon ako sa aking kama para magcr. Tanging dim light at ilaw lang sa cellphone ang pinagkukuhanan kong liwanag. Bago ako makarating sa cr may nakita akong batang naka upo at naka talikod sa cr. Nililit ko ang aking mata para maaninag kung sino ang bata na yun. Habang papalapit ako ng papalapit bigla naman tong lumingon sa 'kin at ang sabi sa 'kin "MAMATAY KANA!!" at aambahan ako ng kutsilyo "AAAAAHHH!!!" pasigaw kong sabi. Pinagpawisan ako ng husto. Panaginip lang pala. Agad kong kinuha ang aking cell phone para tignan kung anong oras na. nang laki ang mata ko ng malaman kong 9:30am na pala. Agad akong pumunta ng banyo para maligo. "Jusko malelate nako sa school!!" pagmamadaling sabi ko sa sarili ko. bumaba nako ng kwarto. Nang palabas nako ng pinto ng bahay may nakita akong sulat na galing kay mama. letter from mama Oh nak maga-out of town muna ako magkakaroon kami ng training gustohin ko man na isama ka kaso hindi ako pinayagan ng boss ko. Bumili nako ng makakain mo diyan nagiwan na din ako ng allowance mo kung may kailangan ka tawagan mo lang ako. "HAYS!! Alone na naman!" banggit ko sa sarili ko. Agad nako lumabas ng bahay at pumasok sa school. . . . "Brenda Gonzales YOU'RE LATE!" sigaw na banggit ng prof namin. Halos lahat sila naka tingin sa 'kin. Agad naman ako umupo kung san naka upo sila James. "Uy Brenda anong eksena mo kagabi? Nabahuan kaba sa kaniya kaya mo siya tinulak?" pabulong sabi sa 'kin ni Alex at sabay tawa. Inirapan ko lang siya tapos dedma na. "Pero ano ba ang nangyari?" banggit ni Jerson. Nung una ayaw ko pang sabihin yung na nakita ko kasi baka hindi lang nila paniwalaan. "Sabihin mo na! nakikinig kami" pabulong na sabi ni Leo habang nakatingin sa 'kin nila James Jerson Winnie at Alex. "Promise pagsinabi ko wag kayong tatawa?" banggit ko sakanila ng pabulong. At nagpromise naman sila sa 'kin. "Nung pagka matay ng ilaw may nakita akong mga bata na puno ng saksak at duguan at matandang lalaki na may mga saksak din at duguan. Tapos nagulat nalang ako na pagtingin ko kay James yung matandang lalaki na yung kayakap ko. kaya naitulak ko siya." Banggit ko habang nagkukwento ako. "Huh?!" gulat na pagkasabi nilang lahat sa 'kin. "Anong namatay ang ilaw? Brenda hindi namatay ang ilaw the whole party" at ng laki ang mata ko nung narining ko yung kay Jerson. "Posibleng hindi namatay. Promise dalawang beses namatay ang ilaw" banggit ko na may halong kaba. "Tama si Jerson Brenda. Hindi namatay ang ilaw buong gabi simula na nagumpisa ang party" muli akong pinagpawisan ng lamig sa mga na rinig ko sa kanila. "Alam mo Leo kasalanan mo to e. tignan mo ipekto kay Brenda" banggit ni James kay Leo. Bigla ako napahawak sa rosaryo ko ng mahigpit. "Haha okay lang yan Brenda mawawala din yan" tawang pagkasabi ni Jerson sa 'kin. Tama nga si Jerson mawawala din to. Tsaka hindi dapat ako matakot sa patay mas matakot ako sa buhay. Maya maya lamang nagclass dismiss na kami at naisipan nila Jerson na tumambay sa library. Agad naman kaming pumunta sa library. Ang laki ng library nila. Ang daming libro Mukhang matatagal na ang mga ito. Yung ibang libro kasi puro alikabok na. pumwesto kami sa dulong sulok ng library. Kaniya kaniya kaming kuha ng babasahin namin. Nang bumalik na kami sa aming pwesto bigla namang may sinabi si Leo. "Guys ito maganda to basahin. True story daw to e" banggit ni Leo samin. "Nako Leo mananakot ka na naman" banggit ni James. Hindi ko alam pero may naguudyok sa 'kin na makinig sa mga kwento ni Leo. "Hindi okay lang James" bigla akong hinawakan ni James at nilapit sa tabi niya. At nagsimula ng magkwento si Leo ng nakakatakot. Leo's story grab taxi Isang madilim na gabi. May isang grab taxi na papuntang sa hindi kilalang building. Para magsakay ng mga pasahero. Tinawagan ng grab driver ang nagbook sa kaniya para sabihing andoon na siya. "Good evening po Ma'am andito na po ako sa tapat ng building" wika ng grab driver. "Sure kuya pa-antay nalang kami pababa na rin naman kami." Wika ng babaeng nagbook sa kaniya. Hinintay naman ng grab driver ang kaniyang pasahero. Maya maya lamang dumating na sila. Habang tinatanaw ng grab driver ang mga pasahero binibilang niya ito sa isip niya. "1 2 3 4 5 6. Sakto amin sila" wika ng grab driver sa kaniyang sarili. Maya maya lamang ay sumakay na ang kaniyang pasahero. Pero para makasigurado binilang niya ulit kung tama ang biling niya. "1 2 3 4 5 6. Sure akong amin sila" Banggit ng grab driver sa kaniyang sarili. Habang umaandar ang sasakyan. Nagtatawanan ang lahat at nagkakaasaran. Sa ilang saglit lamang huminto na sila sa paguusap nila. Maya maya lamang nakarating na kami sa aming distinasyon. "Ma'am dito nalang po ba?" banggit ng grab driver "Ipasok mo nalang sa dulo kuya" wika ng pasahero. Nakakatakot ang lugar. Napakadilim ng pagilid tanging ilaw lang sa mga poste at ilaw sa sasakyan ko ang nakikita ko. "Boss pa log in nalang po ng mga pasahero niyo" wika ng gwardya ng matapos nila maglag. Dumaretsyo na kami sa loob. Nakakatakot ang loob ng boarding house na to. Mukang sinaunang panahon pa to. "Kuya dito nalang po kami" wika nito sa grab driver habang naka ngiti ito sa kaniya. "kuya magiingat ka nuway maka uwi ka ng ligtas" pahabol nitong sabi. agad naman kinabahan at nagtaka ang grab driver. "Bakit niya ko sinabihan ng ganun. Mukhang may kakaiba ha?" wika ng grab driver habang na ngangatog na sa kaba. "Teka teka amin sila? Bakit lima lang yung lumabas ng sasakyan ko?" wika ng grab driver na may halong kaba at pagtataka. Halos hindi mapakali ang grab driver habang nagda-drive. Nang unti unti niyang sinisilip yung back seat niya sa salamin. May naiwang pasahero na naka tingin sakaniya habang naka ngiti. "Pucha! Ano ba tong pinuntahan ko." wika ng grab driver na pinagpapawisan na. Nang makarating sa gate. "Boss pa check naman ng back seat ko kung may naiwang pasahero" wika ng grab driver. "Bakit boss?" "May nakita kasi akong isang pasahero sa likod ko." "Ah normal lang yan dito" "Boss pa check ng log book kung ilan yung pasaherong sakay ko." nagulat ang grab driver na lima lang ang sakay niyang pasahero. "Anak ng pucha! Gusto ko ng bumaba sa sasakyan ko." habang nagmamaneho siya na patingin ulit siya sa salamin ng sasakyan niya para tignan kung andun yung babae naka tingin sa kaniya. Nang magulat siya nasa tabi niya yung isang babae. "AAAAHHH!!" nagulat at gumewang gewang ang sasakyan hanggang sa mabungo sila sa poste. Nabalitaan nila namatay ang grab driver. The end. . . "More!" banggit ni Winnie at Alex kay Leo. "Haha mukhang enjoy na enjoy kayong dalawa sa mga kwento nito ni Leo ha?" banggit ni Jerson habang na tawa. "Okay ka lang?" banggit sa 'kin ni James. "Oo okay lang ako. Medyo nageenjoy naman ako sa mga kwento niya hehe" Agad na nagsimulang magkwento ulit si Leo ng ibang nakakatakot na kwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD