❧ ❧ ❧ DHIENA's POV Nakasakay na sa bus ang lahat papunta sa resort kung saan gaganapin ang sports fest at team building namin. Pinag-isa na nila ang mga activity sa sports fest and team building, two days and one night gaganapin ang event, kaya siguro kami bakbakan ng trabaho nitong mga nakaraan linggo dahil sa absent namin ng two days. Kinakabahan tuloy ako dahil kailangan kong sumali sa mga event na 'to dahil titignan kami ni Ma'am Jen at syempre kukuha siya ng puntos sa mga mag pa-participate. Good luck na lang talaga sa'kin kung pano ko malulusutan ang mga activities dito, sabi ni Ann at Bless magkunwari na lang daw ako na may menstruation at masakit ang puson para payagan nila akong hindi mag participate pero ang kinakaabala naming tatlo ay 'yung linta sa office, kinakabahan ako

